26. WHY I DON'T DESERVED YOU?

380 11 9
                                    

ZARICH POV

"Ahh!!!" Sigaw ni Zie ng madaplisan siya ng patalim sa kanang balikat. Agad itong dumugo. "Walang hiya!?" Galit na pagmumura dito. Pumwesto siya para sa malakas na uppercut sabay patama dito at dahil dun dumugo ang bibig ni Ben at natumba. Halatang hilong-hilo ito.

Pinilit niyang makatayo ngunit agad ring natumba"Bwisit ang sakit." Sambit habang hawak-hawak ang sugat. "Kenz--" Lalapit sana si Jasmine. "No I'm ok." Pigil niya dito. "Magbantay ka lang dyan, Mine. May tatapusin pa kami." Nang gigigil na saad ni Zie.

She clenched her jaw and fist . "Now, let's continue the game." Hamon niya sa mga natitirang nakatayo. 'Kaya ko nagustuhan tong tao na to eh.' Ngumiti ako at tumutok uli sa mga kinakalaban.

Tumba na lahat maliban nalang dun sa isang hindi makatayo dahil sa pagkahilo sa malakas at buong pwersang uppercut ni Zie. Sinakal niya ito gamit ang paa. "Bwisit ka. Wala kang karapatang saktan ako, alam mo ba iyon?" Gigil na gigil na saad.

"Tama na yan. Umalis na lang tayo dito." Gusto ko siyang lapitan siya para pigilan kaso naunahan ako ni Jasmine. Bumalik na ang ngiti niya at tumango. 'Hay, iba talaga to pagmagmahal.'

Lumakad ako palapit sa pinto ng kwarto ko. I put my password and the door immediately open. Hindi pa kami nakakapasok. "Hoy, traydor!" Sigaw ng kararating na si Jubael kasama ang kanyang grupo. Agad siyang nagpaputok ng baril.

Nagmadali kaming pumasok. Dahil ako ang nahuli ay di na nakakapagtakang nahagip ng bala isa sa mga balang napakawalan ang kanang binti ko. At saka ko lamang ito napansin ng makapasok na ako. "Fuck!" Pagmumura ko. Agad kong naramdaman ang sakit ngunit binaliwala ko ito at agad isinara ang pinto.

"Di ito makakatagal." Saad ko at itinuro ang pinto. "Iwanan niyo na ako. Mas mabuti nang isa ang mawala kesa tayong lahat." Sasabat sana si Jasmine na halatang takot at kinakabahan.

Matagal ko nang gustong tumakas pero hindi ko maiwan-iwan si Drey ang naging Best friend ko at naging dahilan para kalimutan ang maling nararamdaman ko para kay Zie. Kaya sinubukan ko siyang kausapin at baguhin ngunit pumasok si isip ko na hindi ata ako magtagumpay. Balak ko nang tumakas noong nakaraang linggo. Pero napatigil ako ng mabalitaang nasa panganib ang nag-iisang minahal ko ng dahil sa dati kong best friend.

Ngayong sigurado na ako sa gagawin ay hinaharangan naman ako ng mga taong naging mundo ko ng mahabang panahon. Hindi ata talaga ako paaalisin dito. Dito talaga siguro ako nabibilang at ngayon dito na rin ako mahihimlay.

"Siguraduhin niyong mabibigyan sila ng leksyon." Pakiusap ko sa kanila at ngumiti. "Bwisit, tatago kapa talaga?!!" Galit na sambit ni Jubael sa labas.

Binaliwala ko ito at nagpatuloy. "Pumasok kayo sa kwarto ko. May tatlong painting na magkakatabi. Tanggalin niyo yung nasa gitna, agad niyong makikita ang isang butas palabas nitong facility. Pagmakalabas na kayo tumakbo kayo ng tumakbo. Walang lilingon , walang hihinto hanggang sa makakita kayo ng talagang tutulong sa inyo." Paliwanag ko. Nagsimula ng umiyak si Zie.

Ngumiti uli ako. "Wag kang mag-alala may magbabantay na sayo." Umiling-iling siya. "Hali kana Kenz, bigyan natin siya ng hustisya." Sambit ni Jasmine sabay hawak sa kamay ni Zie.

Napasigaw si Jasmine nang marinig ang isang putok sa labas at sabay kaming tatlong napatabon ang kamay sa tenga.

"Leave Now!" Sigaw ko. Agad silang tumakbo papunta sa kwarto.

Sumandal ako sa pinto para bigyan pa nang ilang oras ang dalawa. "Buksan mo to, sabi eh!" Sigaw uli ni Jubael. "Tama na Ale. Panahon na para bumalik sa dati. Hindi na ito ang dating tayo. Hindi tayo dapat nanloloko at pumapatay. Nabuo tayo para tumulong." Naluluha at malumanay na pakiusap ko. Nagsisimula na akong mawalan ng lakas.

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon