13.LIBRARY

144 6 0
                                    

CAROLINE's POV

Maaga pa kaya napagdesisyunan ni Jasmine na pumunta sa library. 'Hay naku nakaka bored. Ang ginagawa ko lang ay umupo pag nakahanap ng magandang librong babasahin, halos wala pang 5minutes
tatayo uli at kukuha ng iba.

Actually I really hate books, pero anong magagawa ko, kaibigan ko siya at kailangan ko siyang protektahan sa mga bruhang mapagbanta at walang alam kundi ang itaboy ang lahat ng taong lumalapit kay Kenzie.

Hmp! Kenzie nanaman? Kailan ko ba makakalimutan yang tao na yan. Yang tao---'

"Halatang ayaw mong magbasa ng libro, wag kang mag-alala walang mangyayari sakin dito. Kaya ayos lang kung umalis ka na." Nakangiting sambit niya habang nakatutok pa rin sa binabasa. "Hindi ah gustong-gusto ko kaya tong binabasa ko." Mayabang kong sagot.

"Ah talaga? Yan ba ang dahilan kaya palit ka ng palit ng libro?" Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo para isipin ang susunod na sasabihin.

"Ah-ahh, Jasmine naman e. Alam mo ang kaya nilang gawin diba? Nasaktan ka na nila at hindi ko yun napigilan kaya kung maaari ay ayaw ko nang maulit pa yun." Nag-aalala kung sambit.

Ngumiti siya, ibinaba ang libro at humarap sakin. Tiningnan ko naman siya."Hindi ko nakita na papalapit siya kaya hindi ko napigilan ang sampal na paparating pero wag kang mag-aalala magiging mapagmatyag na ako." Nagbibirong sagot niya.

"Jasmine, don't need to make jokes. I'll stay cause I want." Nilapit ko ang mukha ko sa libro para di niya malaman na nagsisinungaling ako. Kilala at alam niya na kasi pag nagsisinungaling ako. "Gusto ko mag-stay at magbasa ng libro dito kasama mo at walang makakapigil sakin." Mayabang kong sambit.

"Ay ang kulet! Sabi ko nang ka---" Napatigil siya. 'Bakit kaya?' "Ke-kenzie?" Sambit niya. "Tsk alam kong nag-aalala ka sa kanya pero pwe-" Napatigil ako sandali nang bigla siyang tumayo tiningnan ko kung sino tinititigan niya. "deeeee baaang-tumahimik kaaaaa naaaaaalang?" Medyo nagulat rin ako ng makita siyang nakatayo sa pinto ng library kaya yun hindi ko napansing para na pala akong isang sirangplaka kung magsalita.

'Totoo ba to? Andyan nanaman siya? Nakakainis, pero mas nakakainis kung lalapit pa siya. Oh ow sana mali ang iniisip ko, Sana hindi mangyari. Please, please, please.'

Nakita rin siya ni kenzie, unang nagtagpo ang mga mata nila. When kenzie recognized Jasmine, she immediately look at me. Our eyes meet a couple of seconds before I realized what I'm doing. Agad kong binale ang atensyon sa libro at umayos sa pag-upo at nagpatuloy sa pagpapanggap na nagbabasa.

"Dito ka na umupo kasama namin." Pag-aaya ni Jasmine. 'Oh no. What? Nooo! ' Sigaw ng utak ko. 'Pero anong magagawa ko? Kung pipigilan ko si Jasmine e mahahalata ako. Kung aalis ako baka isipin niyang iniiwasan ko si Zei. Ah-ahm, Kenzie I mean.'

Umupo na si Jasmine sa harapan ko. Lumingon ako para hanapin kung nasan si Kenzie. Nakita ko siyang pumipili nang librong babasahin. Nang mapatingin siya sa pwesto namin e agad akong lumingon at humarap kay Jasmine.

"Sabihin mo nga sakin kung may problema ba kayo ni Kenzie o may nagawa ba siya sayo dati." Curious niyang sambit. "A-ano? Problema? Wa-wala ah. Ako may problema sa kan-kanya, pfffft! Kelan pa?" Kinakabahan na sambit ko.

"Why are you stuttering?" She squinted her eyes with disagreement. 'Sabi ko na e. Mapapansin niya talaga yan.' "Siguro natatakot ka talaga sa kanya no at hindi mo kayang panindigan ang sinabi mong kaya mong kalabanin lahat maging si Kenzie pa?" Tanong niya.

'Kaya ko kaya. Hindi mo kasi alam.' Binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa. "Fine your right, di ko siya kayang kalabanin. Happy?" Naiirita kong sambit. 'Nagsinungaling ako. Wala na kasi akong iba pang naisip na sasabihin. Kung sasabihin ko kasing hindi ako takot sa kanya, na yun naman talaga ang totoo, eh baka mas tatapunan niya ako ng maraming katanungan at sa iba pa mapunta ang mga sagot ko. Ayaw ko nun kaya yun ang naging desisyon ko. Ang magmukhang talo.'

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon