Chapter 1

68 5 0
                                    

Alexa'POV

BLAGG!!! BLAGG!!!

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na kalabog na yun.

Shemay! San galing yun!?
"Ate si aling myrna yun" bulong ng kapatid ko.

BLAGG!! BLAGG!!"HOY ALEX BUKSAN MO TO ABA!!!" Sigaw nung nasa labas.Sheyt si aling myrna nga! Yare!

Mabilis akong tumayo at pumunta sa pinto *inhale exhale! Inhale exh--* BLAGG BLAGG !!! "ANO BA !!?" Halos mapatalon ako sa gulat jusko naman. Pag bukas ko ng pinto...

"Good mor---" Eh?!Bago ko matapos yung sasabihin ko nag buga na sya ng apoy choss!

"ANONG BALAK MO HA!? TUMIRA DITO NG LIBRE?! MAHIYA KA NAMAN!! ASAN ANG KULANG NA BAYAD MO SA UPA?! WALA NANAMAN!! LUMAYAS NA KAY--" Tuloy tuloy na dakdak nya.
Sumingit agad ako huhu

"Dyos ko aling myrna parang awa mo na bigyan mo pa ako ng konting oras promise babayaran ko bago matapos tong linggong to promise" Pakiusap ko habang mag kalapat ang palad ko. Halos lumuhod na ako sa harap nya sana epektib to.

"ABA ANONG TINGIN MO SAKIN DYOS?! NANGANGAILANGAN DIN AKO ABA! ILANG BESES NA YANG KONTING ORAS MO NA YAN AH! MAG ISIP KA NAMAN NG BAGO! HINDI NA UUBRA SAKIN YAN DIBA MAY TRABAHO KA NA ABA! MUKHANG DI KA SUMASAHOD AH! ANONG IBABAYAD MO SAKIN ABER!!" Dere-diretso nyang sabe. Parang di na sya huminga nun ah. Grabe talaga.

"Pakiusap aling myrna last na po ito pleaseee"

"SUS AKINA BAYAD MO! SA SUSUNOD NA YUNG KULANG ! OH MABAIT PA AKO NYAN AH!! AKINA!!"bulyaw nya habang nanlalaki ang mata at butas ng ilong. Grabe katakot talaga ang dragon nato.

Mabilis akong pumasok sa kwarto at kinuha ang 500 na natitira sa wallet ko. Pang baon sana to ni axel ng isang linggo at pangkain namin hyss. Bye bye 500 T_T. Inabot ko na kay aling myrna.

"Sa susunod di na kita pag bibigyan. Sige next week kukunin ko ang  kabuuang bayad! BUONG BAYAD" pag didiin nya sa huli nyang sinabi.

"Opo aling myrna salamat po ng marami hulog kayo ng langit" sabi ko pa. Inirahan nya ako at tumalikod. "Nauna nga lang mukha" bulong ko.. Nagulat ako bigla syang humarap...Patay!

"ANO!!?" Sigaw nya. Lakas talaga ng pandinig ng dragon ano?

"Ahh--Sabe ko napaka bait nyo po hehe" Tumaas ang kilay at inirapan nya ako tsaka muling tumalikod at nag lakad na paakyat .

When you came to me..Where stories live. Discover now