Chapter 4

29 4 0
                                    

ENJOY READING
--

ALEXA'S POV

KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa mabangong amoy .

Ano yun?

Bumangon ako at lumabas. Pag labas ko nakabihis na si alex pang school at nag luluto si blu, kaya pala.

anong oras naba?

Napa tingin ako sa wall clock. 5:30 pa lang.

"Oh mahal na prinsesa,gising na po pala kayo. Maaari na ba tayo kumain?" Sabe nya at naka smirk pa

Nabubwiset ako pag nakangisi sya! Nakakakulo ng dugo . Ewan ko ba!

"Wag mo sirain umaga ko, masisira yang mukha mo! "

"Grabe ka sa gwapo kong mukha ah. Hahaha init ng ulo mo ang aga aga" Napaka kapal talaga ng kalyo nito sa mukha.

"Teka nga! Bat nga pala andito kapa ha!? Diba sabi ko umalis kana bago pa magising si ate myrna?!" Naiinis na sabi ko.

"Hehe ano kaba alexa di magagalit yun. Tara kumain muna tayo para mawala yang init ng ulo mo"

Di ko na sya pinansin nagugutom na ako tsk.. Inasikaso ko na ang pag hahain at si axel.

"Bunso kain na ano ba?" Saway ko sakanya. Hawak nanaman nya yung laruan na pinasalubong ni blu kagabe.

Sumunod naman agad sya.

Naligo muna ako at nag asikaso para sa pag pasok ko sa trabaho. Di na ako pwede malate.

"Bunso tara na. Blu wag ka muna lumabas ah. Sesenyasan kita pag pwede na. Ha!"  Sabi ko sa kanya habang nakaturo pa ko sa mukha nya.

Tumango lang sya. Hmm buti naman.Pag labas ko *lingon sa kaliwa* *lingon sa kanan* nung nakita kong walang tao . Sesenyasan ko sana si blu pero pag harap ko sa pinto. Punyeta nasa likod ko pala nakikitingin din ang hinayupak!

"Hoy sira ulo bat sumunod ka pano pag may nakakita sayo dito!?" Tsk. Bwiset to

"Ano naman kung meron?" Nag tanong pa talaga !

"Abno baka kung ano ang isipin nila " sabi ko . Lalakad na sana kami ng...

"Oh alexa may bisita ka pala" patay! Yan na nga sinasabi ko e!

Kababa lang ni aling myrna galing forth floor. Shit shit shit

Baka kung ano isipin nya.

"Ahh haha opo" pilit ang ngiti ko homayghadd!

"Hmm good morning ma'am" Bwiset nag salita pa tong isa!

"Good morning din" Eh!? Anyare? Bat ganon? Mag lakad na pababa si aling myrna.

Napatingin ako kay blu. Nakangiti sya sakin. Anak ng..

"Sabe ko sayo e hahaha" Nauna na sila ni axel nag lakad pababa.

-

Nasa kotse na kami ni blu ihahatid daw muna namin si axel tas ako naman ihahatid nya .

"Bunso sumabay ka na lang ulit kay ella ah." Sabi ko nang makarating kami sa tapat ng school.

"Opo ate" Sabe nya saka bumaba ng sasakyan.

"Ay wait bunso, baon mo!" Muntik ko na malimutan.

"Hehe meron na ate" Napatingin ako kay blu. Naka tingin lang sya sa manibela.

Umalis na kami pag tapos non.
Ihahatid na nya ako sa coffee shop.

"Sigurado kaba lexa? Ok ka lang ? Dala dalawa trabaho mo"  tss kanina pa yan . Unli ang nyemas!

"Oo nga ano ba paulit ulit ka!" Kulit e.

"Nag aalala lang naman ako. Baka biglang bumagsak katawan mo nyan." Sabe nya halata ang pag aalala sa boses nya.

"Ok lang ako promise di mo kailangan mag alala blu. kaya ko naman e." Pangungumbinsi ko sakanya . Kaya ko naman talaga para kay axel naman to e.

Napabuntong hininga lang sya.
Mga ilang minuto nakarating na kami sa coffee shop.

"Salamat blu. Mag iingat ka pauwi ah. Kamusta moko kay tita. Bye" nakangiti kong paalam .

"Sige. Tawagan moko pag may problema ah. Mag ingat ka. Susunduin kita mamaya pag out mo sa resto." Paano ko tatawag e sira ang phone ko.

"Wag na blu. Mag co-commute na lang pauwi. Promise di ako mag lalakad" Sabe ko at lumabas na. Mangungulit lang yun e.

Pag pasok ko binilisan ko na mag palit para makapag simula na ako sa trabaho.

--

Mabilis lumipas ang oras at tapos na ang trabaho ko sa coffee shop.

Nag lalakad na ako papuntang resto. *Tingin sa relo* 6:30 na. Binilisan ko pa lakad.

---

Don't forget to Comment and vote.
may nag babasa po ba?
^_^
-Aj

When you came to me..Where stories live. Discover now