ENJOY READING
---
TRAVON'S POV
"gramma ano bayan ke aga aga sumisigaw ka?" Pag lapit ko sakanya ay niyakap ko agad sya.
"Bat ba kailangan mo pang kumuha ng maid ha travon drake? Asan ang asawa mo?" Tanong nya habang inaakay ko sya paupo sa sofa.
Sinenyasan ko ang maid na mag luto ng agahan.
"Gramma, ayoko naman mahirapan ang MAGIGING asawa ko" Sabi ko sakanya.
Si gramma hindi sya yung sobrang tanda na, Bata pa ang itsura. Maganda na mukhang mataray, takot sakanya lahat ng maid sa mansion nya at sa bahay namin pati ang mga empleyado sa kompanya kinakatakutan sya.
Sya si lola Gabriella Caravin ang mama ng daddy ko . Unang tingin pa lang talagang mahahalata mo na masungit sya, Pareho kami ng mata, matapang kung tumingin.
"E asan na nga ba yang mapapangasawa mo? " Kunot-noong tanong nya.
"Ahm tulog pa gramma, Teka gigisingin ko" Tsk! naging taga gising pa tuloy ako!
"Hindi, ako na ang gigising" What the!!. Tumayo na sya at nag lakad paakyat ng hagdan at lumingon ulit.
"Saan ang kwarto nyo?" Tanong nya. Nako patay!
"Ahh-Gramma ako na po ang gigising sakanya haha maghintay--" Di nya ako pinatapos at lumapit ulit sakin.
"Inuutusan mo ba ako travon? Ang tamad nyang asawa mo na yan! Bat tulog pa sya e tanghali na! Yan ba ang gusto mong maging asawa? Inaasa sa maid ang pag kain nyo? Dapat gising na sya naglilinis,nagluluto, nag lalaba! Hindi yung anong oras na nakahilata pa kayo!" Arrgg! Kaya ayaw ko syang nandito pag may napansing mali agad syang raratrat. "Nasaan ang kwarto nyo?" Tanong nya ulit at nag lakad pa akyat.
"Dito po gramma m-mag kahiwalay kami ng k-kwarto" Sabi ko habang nauunang mag lakad.
"HA!! Bakit mag kahiwalay pa kayo? E magiging mag asawa naman na kayo? Napakaarte ng asawa mo! Sya ba ang nag desisyong hiwalay ang kwarto nyo? Pano kayo makakabuo nyan?" Ratrat nya habang nasa likuran ko.
"Dito na po kwarto nya gramma." turo ko sa isang pinto.
Dalawa lang naman talaga ang kwarto dito sa condo ko.
TOK!! TOK!! TOK!!
malakas na katok nya sa pinto. Tsk sana gising na sya.
YOU ARE READING
When you came to me..
RomancePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...