ENJOY READING ^_^
----
ALEXA'S POV
"Hoy babae nakikinig kaba?" Si tinay. Eh!? May sinasabi ba sya?
"Ha!? Ano ulit yun?" Tanong lo baka mahalaga e.
"Sabe ko ang balita nag hahanap daw ng mapapangasawa yang si Mr. Caravin" napaka chismosa netong babaeng to.
"Ows!? Bakit daw? Sa yaman at gwapo nyang yan mahihirapan paba sya?" Tss yaman yaman e. Madali lang makakakuha ng babae yan.
"Napaka gwapo at kung yaman ang pag uusapan? Ay nako tsk . Buhay ka dyan napaka yaman nyan. Ang kaso...." Pabitin pa e! "NA-PA-KA-SU-NGIT . May mga babae na daw na nag volunteer haha kaso ang sagot ni Mr. Caravin I don't need a shit in my life get fucking lost bitch" Ay grabe! Sama naman ng bunganga ng lalaking to.
Pero teka pano nalaman ni tinay lahat yan ... Hmm i smell something hmmm >_>
"Teka nga pano mo nalaman lahat yan? Pati yung mga sinasabi nya alam mo!"
"Hahaha syempre isa ako sa mga babaeng nag volunteer shoo ka lang" Bulong nya.
WHUUUTTT DAA PAKK!!O_O
"SERYOSO KA!?" Napalakas yung pag kakasabi ko. Napatingin samin yung ibang costumers. Napa takip tuloy ako sa bibig ko.
Myghad seryoso!!!
"Kulang pa. Ilakas mo pa para marinig nya kupal ka!" Sabi nya sabay konyat sakin. Bwiset to.
"Mag trabaho na nga tayo. Napaka chismosa mo!" Sabe ko sakanya at tumalikod na ako .
-----
Nasa taxi na ako. Pauwi na ako 12 midnight na .
Pag dating ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ni bunso pero wala sya, tinignan ko sa kusina,cr,kwarto ko pero wala .
Oh my God asan ang kapatid ko.
Sobra na akong nag aalala."ALING MYRNA!! ALING MYRNA!!" Sunod sunod ang katok ko. Kagat ko ang ibabang labi para pigilan ang luha ko.
Bumukas ang pito "Oh alexa andi--"
"Aling myrna si axel nawawala" Tuloy tuloy na bumagsak ang luha ko.
"Hija andito si axel. Dito ko muna sya pinatigil kanina kase may mga humahabol daw sakanya gusto daw syang kunin" Medyo nakahinga alo mg maluwag dahil andito pala ang kapatid ko.
Pero teka! May himahabol!? Sinu naman kaya ang mga hayop na yon!
Pinapasok ako ni aling myrna nakita ko si axel na natutulog sa tabe ni ella. Lumapit agad ako sakanya at binuhat sya.
"Aling myrna maraming salamat po. Nakita nyo po ba kung sinu yung humahabol sakanya?" Tanong ko habang henehele si axel na tulog na sa balikat ko.
"Hindi ko nakita ang mukha. pero nakita ko sumakay sa van dalawang lalaki yun ." Sinu kaya sila? At anong kailangan nila sa kapatid ko.
"Sige ho aling myrna maraming maraming salamat po" tumango lang sya at ngumiti. Nginitian ko din sya at lumabas na.
Mukhang di ako makakapasok bukas . Dahil pag pumasok ako si axel ang maiiwan dito sa bahay baka balikan sya ng mga yun.
Sinu kaya sila at bakit nila kukuhanin ang kapatid ko dyos ko wag naman po sana nila kami guluhin.anong gagawin ko para tigilan nila kami?
Siniguro kong nakalock ang pinto at mga bintana mahirap na . Tumabi ako ngayong gabe kay axel. Sobrang nag aalala kase ako at mukhang ayaw ko na syang pasamahin sa field trip sa linggo.
Anong oras na pero di parin ako makatulog iniisip ko kung sinu yung taong gustong kunin ang kapatid ko.
Di kaya nangunguha talaga sila ng bata dito sa lugar namin at muntik na maging biktima ang kapatid ko?
Pero hindi e. Wala akong nababalitaan na may mga nawawalang bata. So ibig sabihin kapatid ko talaga ang gusto nila.
Bakit? Ano kailangan nila? Mukha ba kaming mapera para pag tangkaan ang kapatid ko?
Tsk di matahimik ang utak ko kakaisip. Di ako makatulog! Pano kung makuha nila ang kapatid ko pano kung---- Waaaaaa no no no!!
Wag ka mag isip ng kung ano ano alexa napapraning ka nanaman. Di mangyayare yun huhu sana nga.
Diyos ko gabayan nyo po kami ng kapatid ko wag nyo po hahayaan na mapahamak kami lalo na sya.
Maya maya lang di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
-----
Tengkyu beri mats. ^_^
YOU ARE READING
When you came to me..
RomansaPrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...