Chapter 14

26 2 0
                                    

ENJOY READING

SALAMATTTT!

----

ALEXA'S POV

"Hoy alexa gising!! Binabangungot ka!!" Naramdaman ko may umaalog sakin,napabalikwas ako ng bangon at napagtanto ko na umiiyak na pala ako.

"Mama" bulong ko habang patuloy sa pag tulo ang luha ko.

"Huy alexa ok ka lang ba ha? May masakit ba sayo? Bat ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nya, patuloy parin ano sa pag iyak.

Mama papa!

"Lex ano kaba ? Kinakabahan na ako sayo mag salita ka naman! Bat ba?" Kinakabahang tanong habang inaalog nya ang balikat ko.

Napahagulgol na ako at napa yakap na lang si jasmine sakin.

Nang makalma ako, tumayo na ako at pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Pilit kong inalis sa isip ko yung masamang panaginip na yun.

"Kain na" sabe ko kay jas, nakatingin lang sya sakin parang nakikiramdam.

"Lex ok ka lang" tanong nya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

Nginitian ko sya at tumango na lang.

Tahimik lang kaming kumain siguro naramdaman ni jas na wala ako sa mood.

Pag tapos kuman nag hugas ako plato at dumeretso sa kwarto at natulog na.

KINABUKASAN

7am

Nakaligo't nakabihis na ako aalis na lang, di ko alam kung anong oras at san kami mag kikita ni Mr. Caravin. Kaya naman maaga ako nagising at hihintayin ko lang sya sa tapat ng coffee shop baka dun din sya pumunta.

Pag ka babang pag kababa ko nagulat ako dahil si mr. Caravin nasa labas at nakasandal sa sasakyan nya at sobrang sama ng tingin sakin.

"Kanina pa ako nandito! Napaka tagal mo!!" Bulyaw nya. Jusko ke aga aga!

"Aba wala ka namang sinabing oras at saan magkikita malay ko ba!" Woahh! Hahaa nakakasagot na ako sakanya ng ganto ah!

Tinignan nya ako ng masama at padabog na sumakay sa driver seat. At ako? Nakatayo lang, malay ko ba kung pasasakayin nya ako mukhang gal---

"Ano tatanga ka na lang dyan? Napaka tagal mo kong pinaghintay tapos iniisip mo pag bubuksan kita ng pinto! Kapal!" Sigaw nya habang nakadungaw sa bintana.

Sama ng ugali! Kainis!

Naglakad na papuntang passenger seat at di na sya nilingon pa, hindi nya rin ako kinausap.

Pero maya maya lang nagsalita sya.

"Travon ang itawag mo sakin pag si mommy ang kaharap." Sabe nya kaya napalingon ako sakanya."wala syang alam sa deal kaya nga magpapanggap tayo" tss alam ko na yan.

When you came to me..Where stories live. Discover now