ENJOY READING ^_^
----ALEXA'S POV
Pag dating sa resto dere-deretso din akong nag trabaho. Aaminin ko sobrang nakakapagod dahil dalawang trabaho kaya to halerrr! Pero kaya ko naman.
Pag sobrang pagod na ako iniisip ko si axel at pag naiisip ko na nagugutom sya parang biglang nawawala ang pagod ko.
Kailangan ko maialis si axel sa ganitong klaseng buhay. Dapat makatapos sya hays.
Mama,Papa kung andito lang kayo.. Hayss.
Nung mag sara yung resto. Umupo muna ako sa harap neto at nag pahinga ng konti.
Nag halukay ako sa bag baka sakaling may himala.
Teka! wait! sandali!
O_OMay laman yung mahabang wallet ko! Hindi ko naman to ginagamit ah! Ni hindi ko nga dinadala to!
May lamang 10k. Punyeterrss san galing to! As in ten tawsand.!!
Nag lakad na ako at nag para ng taxi. Nawiwindang parin ako. Pero ilang minuto naalala ko sa bahay pala natulog si blu.
Tsk now i know. Saka na lang ako mag papasalamat kapag nag kita kami. Tsaka babayaran ko to no.
Pag dating sa bahay 12:30 am na. Tulog na kaya si bunso? Kumain na kaya sya?
Pumasok ako sa kwarto ni bunso para icheck sya .
Mahimbing syang natutulog. Ang cute mana sa ate haha.
Kiniss ko sya sa noo bago lumabas ng kwarto nya. Nag bihis muna ako. Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig pag bukas ko ng ref. Di na ako nagulat na puno ng pag kain. Malamang kay blu to.
May papel sa ibabaw ng mesa. Nang tignan ko sulat ni bunso, hmm bat kaya? Nang buksan ko...
Ate kumain na po ako wag kana po mag alala. Tsaka nga pala ate may babayadan kami sa school. Para daw po sa field trip, ate gusto ko pong sumama sana payagan moko hehe lab yu super ate .
Hahaha eto lang pala. Kailangan pa daanin sa sulat . Buti na lang may iniwan si blu .
Tinago ko na yung papel at dumeretso na sa kwarto para matulog.
----
KINABUKASAN
Friday na ngayon. (5:30)
Binigyan ko si bunso ng 500 dahil para daw sa field trip nila. Ang mahal nga e limang daan tsk. Pero binigay ko parin para kay bunso hehe.
Tinabi ko yung 4k para dito sa upa, Oo 4 tawnsand ang utang ko kay aling myrna kaya warlang warla sya sakin. Buti mga di nya pa tinatapon ang mga gamit namin.
"Tara na bunso baka malate ka" inakay ko na sya pababa.
Sumakay na kami papuntang school nya. Pag kahatid sakanya pumasok na ako sa resto. Dahil day off ko ngayon sa coffee shop. 6am to 5pm ako dito sa resto tuwing friday..
Ganon parin ang ginawa ko.
Nag lalampaso ako ngayon lamesa dahil kakaalis lang costumer. Mabilis akong kumikilos nang matapos kong lampasuhin.
Papunta na sana ako sa kabilang table ng ...
BLAAGG!!
Ouch! Napasalampak ako sa sahig dahil may nabangga akong...
LALAKE AT ANG SAMA SAMA NG TINGIN SAKIN !
Nakakatakot sya tumingin huhu.
"Nako sir im really sorry huhu"sabi ko habang tumatayo. Yumuko yuko pa ako para himingi ng paumanhin.
Pag tingin ko sakanya nakatingin lang sya sakin habang naka kunot ang noo at nasa mag kabilang bulsa ang mga kamay .
"Sir sorry po di ko sinasadya. Im sorr--" pupunasan ko sana ung damit nyang nadumihan nung tinabig nya yung kamay ko.
Dumeretso na lang sya at naupo sa isang table. Ang sungit!
"Anyare? Bat mo binangga si Mr.Caravin" Caravin? Pang mayaman, mukha namang mayaman yung lalake.
"Di ko naman sinasadya e." Sabe ko habang nakatingin sa lalaki.
pogi,matangkad,maputi,matangos ilong,medyo singkit,medyo makapal ang mukha..Este kilay pala at.. at yung lips nya mapula hihihi ang pogi nya pala .
Nakatitig ako don sa lalaki ng bigla din syang timingin . Nabigla tuloy ako at nahampas si tinay.
"Aray ano ba!? Bat ng hahampas ka!?" Oppss! Nginitian ko lang sya.
"Sorry haha" *peace* ^_^v
Pasimple akong tumingin sa lalaki. Di na sya nakatingin dahil may hawak na sya folder at mukhang binabasa nya yun.
Hihihi ang gwapo naman nya.
Omyghad ANG LANDI KONA! >_<----
THANKS!!!! ^_^
YOU ARE READING
When you came to me..
RomancePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...