ENJOY READING
------
ALEXA'S POV
Nang makalabas ako ng ospital dinala muna kami ni blu sa isang restaurant. Oo kami kasi kasama si jasmine ayaw nya daw ako iwan sa lalaking to, Sus ayaw nya lang mag paiwan kasi alam kong type nya si blu, mahilig sa gwapo yun e.
Isa't kalahating araw lang naman ako sa ospital itong si blu lang ang ayaw akong palabasin.
"Hoy andami mo namang inorder! Hindi ikaw ang dahilan kaya tayo andito, Si alexa. ang kapal mo!!" mahinang pero halatang inis na sabe ni blu kay jasmine .
"Aba! bakit sya lang ba ang gutom?! nagutom din ako kakabantay!!" Kung si blu mahina ang pag kakasabe, Si jasmine sigaw! Walang hiya talaga.
Nag tinginan samin yung ibang costumer "Oh bakit?" painosenteng tanong nya sa mga nakatingin kaya nag iwas na lang sila ng tingin..
Hayyss! nakakahiya talaga kasama to.
"Hoy mahiya ka naman!" mahinang sabi ko sakanya.
Sa araw araw,oras oras,minu-minuto at sigu-sigundong ginawa ng diyos wala silang ginawa kundi ang magsigawan. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo nila sa isa't isa.
"E nagugutom ako bakit ba nangengelam ka?!"Iritang sabi nya. aba pati ako nadamay.
"baka nakakalimutan mo ako mag babayad nyan!" inis na sabi ni blu sakanya.
"Alam ko kaya nga madami akong inorder kasi wala akong babayaran e" Sabi ni jas, mahinahon na syang magsalita, bakit? Kasi ngumunguya na sya. Kapal talaga neto
"Kapal ng mukha" Bulong ni blu. nagulat kami nang ibagsak ni jas yung kutsara't tinidor sa plato, kaya napatingin kami sakanya.
"What?!" inis na sabi ni blu, tungunung yan mukha bang makakakain ako dito?
"Anong sabi mo?!" Napatakip na lang ako sa mukha ng sumigaw nanaman sya. Parang mag kakasakit nanaman ako jusmiyo.
"Ang sabi ko ang kap--" Pinutol ko agad yung sasabihin ni blu dahil baka mag wala na tong si jas dito, may sakit pa naman sa pag iisip to tsk!
"Sinama nyo ba ako para kumain O para maging referee nyo?" Inis na sabi ko sakanila habang nakahawak sa ulo. parang sasakit nanaman ang ulo ko e.
"Ayos ka lang lexa? Masakit ba ulo mo? Gusto mo ba bumalik tayo sa ospital?" Sunod-sunod na tanong ni blu. Ang OA nya pramis!
YOU ARE READING
When you came to me..
RomancePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...