ENJOY READING ^_^
---
ALEXA'S POV
KINABUKASAN (SATURDAY)
"Ate wala ka po bang pasok ngayon? 8 am na po e" tanong sakin ni axel .
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon. Di ko pa natatanong sakanya kung kilala nya ba yung mga gustong kumuha sakanya.
"Wala bunso. May gusto ka bang puntahan? San mo gusto mamasyal?" Tanong ko. Minsan na lang kami mag bonding e. Gusto ko sya ipasyal muna.
"Gusto ko po pumunta kila kuya shawn ate. Pwede po ba?"
"O sige bilisan mo na dyan at maligo kana" sa sobrang excited nya. Hindi nya na naubos ang pag kain nya hinayaan ko na lang marami naman nakain e.
Pag tapos nyang maligo.
Binibihisan ko sya ngayon. "Bunso diba sabi mo may humabol sayo kahapon? Kilala mo ba kung sinu sila? Asan ka nung hinabol ka nila?" Di na ako nakatiis tinanong ko na sya . Nag aalala parin kasi ako.
"Di ko po sila kilala ate e. Nabili po ako non tapos lumapit sakin yung isa sabe nya sumama daw ako kasi pinapatawag mo daw ako. Pero nung nakita ko yung kasama nyang isang lalaki nakakatakot kaya po tumakbo na ako." Kwento nya sakin. Sinu kaya sila ? Anong kailangan nila grrr!
---
Nasa taxi na kami papunta kila Shawn blu.Nag doorbell agad ako nung nasa gate na kami.
*Ding dong* *Ding dong*
Lumabas ang isang maid."yes ma'am ano po kailangan nila?" Tanong nya habang nakadungaw sa gate.
"Ah bibisitahin sana namin si shawn andyan ba sya?" Tanong ko sakanya.
"Ay ma'am wala po sila dito nasa new York po sila kahapon lang po sila umalis. Matatagalan daw po sila don ng 5 months" Daldal. Pero bat ganon di man lang nag sasabi si blu. Loko talaga yun!
"Ah ganon ba sige salamat" Yun lang at umalis na kami. Pauwi na kami ni axel.
Pag baba namin sa taxi nagulat ako kasi sila tita angela nakatayo sa may hagdan.
"T-tita ano po ginagawa nyo dito?" Parang bigla akong kinabahan! Ngayon lang ulit sya nag pakita mula nung maubos yung perang naiwan ng magulang ko.
"Kukunin na namin si axel dahil hindi mo sya kayang buhayin" parang dinambo yung dibdib ko sa lakas ng kaba ko.
Hindi pwede !! Hindi ako papayag!
"Hindi pwede tita, sakin sya iniwan nila mama at kaya ko syang buhayin tita. Sorry pero di po ako payag" parang gusto ko magalit! Hindi nya pwede kunin sakin ang kapatid ko.
Pero iba ang pag kakakilala ko kay tita pag gusto nya kahit makasakit sya kukunin nya. Kaya sobra akong kinakabahan.
"Hindi. Kukunin namin sya at wala kang magagawa" Dahil sa sinabi nya nag init ako ulo ko.
"Wala kayong karapatan tita . Kapatid ko to at ako lang ang may karapatan sakanya!! Umalis na kayo tita!!" Parang wala syang narinig. Tumingin lang sya don sa van sa likod namin at tumango.
Agad naman ako napayakap sa kapatid ko nung may lumabas na tatlong lalaki isa na don si tito alvin ang asawa ni tita.
"ANO TO SAPILITAN NYONG KUKUNIN KAPATID KO!? WALA HIYA KAY--" Di kona natapos sasabihin ko ng sipain ako ni tito. natumba ako kasama si axel dahil di ko talaga sya binibitawan.
Naluha ako hindi dahil sa sakit ng sipa at pag kabagsak ko. Naiiyak ako sa isiping Feeling ko pag binitawan ko ang kapatid ko mawawala sya sakin.
Sinabunutan ako ni tito para ilayo kay axel pero di ko talaga pinakawalan ang kapatid ko umiiyak na din sya."aba talagang matigas mukha mo ah!!" Sinipa pa ako ni tita sa mukha pero binalewala ko yun dahil ayoko bitawan ako kapatid ko. Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko kay axel.
Ma,papa tulong po..
Biglang hiniklat ni tito si axel sa buhok kaya nabitawan ko sya. Masasaktan si axel pag di ko sya binitawan.
Tumayo agad ako nung makita ko isasakay sa van si axel. Pero hinila ni tito yung buhok atsaka ako sinampa ng malakas dahil don bumalandra ako sa basurahan.
Tumayo agad ako at lumuhod kay tita"tita please wag nyo kunin sakin si axel sya nala--" hindi nanaman nya ako pinatapos sinipa nya ako sa mukha para mapahiga . Doon nya ako pinag sisipa puro salag lang nagagawa ko"Yan pinapainit mo ulo ko!! Leche kang p*ta ka!"
Inawat na sya ni tito at sumakay sa van. Hinabol ko pa yung van pero... Hys napaupo na lang ako kakaiyak.
Anong gagawin ko?
Mama papa anong gagawin ko?
Bakit ginagawa nila tita samin to wala kaming ginagawang masama sakanila.----
YOU ARE READING
When you came to me..
RomancePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...