ALEXA'S POV
Linggo 7am
"Gisingin mo na aba! tinitigan pa!"
"Tsk wag ka ngang maingay pag yan nagising"
"Kaya nga tayo nandito para gisingin sya!"
"Tsk!Ayoko nga pumayag e!"
"Wala tayong magagawa dahil fiance nya yun!"
Naalimpungatan ako sa bulungan ng kung sinu man, Pero syempre nasa bahay ako alam na.
Nang mag mulat ako, nakita kong inis na inis na nag kakamot ng ulo si jas at si blu nakakatitig sakin.
"Nagising ka ba namin?" Tanong ni blu sakin. Wait parang may mali
"Ahhmm-Di naman" Sabi ko habang nakapikit. "Bat ba kayo nandito?" Inaantok na tanong ko.
"Bat ka pumayag na sum--" hindi nya na natuloy nung nag salita si jas.
"Si travon yung fiance mo nasa sala hinihintay ka" Mabilis akong napaupo sa sinabi nya.
Omygod! ngayon nga pala daw ako lilipat! pero di naman ako pumayag ah!
"Alexa bat ka naman pumayag?! At bat kailangan mong magpakasal sakanya? Hindi ako naniniwalang mahal mo sya! At hindi mo pwedeng gawing rason yung niligtas ka nya sa mga muntik mang rape sayo!" Dire-diretsong sabi ni blu. Napaluko lang ako at huminga ng malalim, Wala na akong takas ngayon. Pero hindi ko parin sasabihin ang tunay na dahilan.
"M-mahal ko sya" Mahinang sabi ko habang napayuko parin.
"Then Get up and fix yourself, We're leaving" Sabi ni travon na nakasandal sa gilid ng pinto ko.
"Iwan nyo muna kami" Sabi ko kila jas at blu.
"What!!? No way!" Malakas na sabi ni blu. ano bayan! Isip nito madumi din e.
"Mag uusap lang kami sige na blu" Kumbinsi ko sakanya.
"Tsk!" Umiiling pa sya habang palabas ng pinto. nung magkatapat na sila ni travon nag katitigan pa sila ng masama.
"Sige na" Sabi ko at tuluyan na silang lumabas. Sinarado na ni travon ang pinto.
"Wala akong sinabing pumayag ako" Inunahan ko sayang mag salita.
"Tsk! Ano ba yan ang ar--"
"Wag mong simulan! ang aga aga!" Singit ko sa sasabihin nya. Makikipag away nanaman to tsk!
"Mag ayos kana hihintayin kita sa labas" Mag sasalita na sana ako pero lumabas na sya.
YOU ARE READING
When you came to me..
Storie d'amorePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...