ENJOY READING
---SHAWN'S POV
"Hijo hindi kaba sasama?" Tanong ni mommy na nakadungaw ngayon sa pinto ng kwarto ko.
"Busy ako mom kaya kayo na lang po" Sagot ko naman. Nakadapa lang ako sa kama.
"Hijo, ang sabi mo si alexa ang fiancee ni mr. Caravin e diba mag kaibigan kayo? Ayaw mo ba syang suportahan?" Tanong ni mom. Naramdaman kong lumubog ang bandang paanan ng kama kaya alam kong nakaupo si mom don.
"Mom alam mo naman kung ano sakin si alexa diba?" Kusang tumulo ang luha ko.
Tsk! Nakakabakla amp! Pero masisise nyo ba ako e mahal ko si alexa.
Ayokong humarap kay mommy dahil makikita nya kung gaano kabakla ang anak nya. Maga na ang mata ko kakaiyak haha kakabakla amputs!
"Pero hijo..."
"Ok lang ako mom, sige na po." Hindi ko padin sya nililingon.
"Hmm sige hijo aalis na kami ah." Paalam ni mom.
Matagal ko ng kaibigan si alexa, matagal ko na din tinatago yung nararamdaman ko. Sana pala sinabi ko na sakanya tsk! Bwiset talaga!
Pag susubukan kong sabihin sakanya umuurong ang dila ko inis! At alam ko naman na kaibigan lang talaga ang turing nya sakin.
Pumunta ako sa office ni caravin nung nakaraan pero wala sya kaya dumiretso ako sa bahay nila ayaw naman ako papasukin, busy daw ang walangya!
Gusto ko sabihin sakanya na wag ituloy ang kasal. Desperado na kung desperado wala na akong pakealam!
Tumayo ako at naligo. Pag katapos ay dumiretso ako sa garahe.
Habang nasa byahe iniisip ko kung tama ba tong gagawin ko.
Hay! Bahala na!
Bumaba agad ako ng makarating sa tapat ng apartment ni alexa.
*Tok tok*
Ilang beses ko ng kinakalabog tong pinto nya wala paring nalabas.
"Alexa!" Tawag ko habang nakatok.
" Hijo hindi pa nauwi si alexa, at mukhang aalis na sya dito e." Bungad ni aling myrna
"Ho? Bakit ho?" Takang tanong ko. Sabi ni alexa babalik sya.
"Ang sabe nung pumunta dito para bayaran yung mga naiwan nyang balance, hmm ano daw mag papakasal na daw si alexa. Gulat na gulat nga ako dahil wala naman nababanggit sakin yung batang yun." Sabe nya at takang taka.
"Alam nyo po ba kung asan sya ngayon?" Tanong ko sakanya pero umiling lang sya.
YOU ARE READING
When you came to me..
RomancePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...