ENJOY READING
-----
TRAVON'S POV
Tanghali na hindi parin bumababa si alexa.
"Travon asan na ang asawa mo? Dapat nag luluto na sya ng lunch nyo ah" Puna ni gramma. Tsk asan na ba yun.
Umakyat ako para puntahan sya sa kwarto nya.
Tok!! Tok!!
Nag hintay pa ako pero walang nag bukas.
"Alexa?"
Tok! Tok!
Wala paring nalabas, Tulog mantika amp.
BLAGG BLAGG!! Kalabog ko sa pinto. Nauubusan na ako ng pasensya!
"ANO BA?!" Rinig kong sigaw nya sa loob kasunod non ang pag bukas ng pinto.
"Mag luto ka ng lunch!" Inis na sabi ko.
"Tsk! May maid bat di sila pag lutuin mo!" Sabi nya at padabog na bumalik sa kama.
Pumasok ako sa kwarto nya para sundan sya.
"Pinaalis ni gramma yung mga maid!" Sabi ko habang nakatayo sa paanan ng kama nya.
"Hoy bat pumasok ka dito! Diba nasa rules natin na--" Tumalon ako sa kama nya at tinakpan ang bibig nya.
Napahiga sya pero nasa gilid nya lang ako at nakatakip sa bibig nya ang kamay ko
"Ang ingay mo pag narinig ka ni gramma patay ka sakin!" Bulong sakanya.
Nanlalaki ang mata at parang gulat na gulat sa posisyon namin.
"Tsk tsk! Diba sabi ko travon pag tapos na ng kasal?" Napatalon ako paalis sa kama ng may mag salita sa pinto.
Nakatayo si gramma doon at nakacross arms habang nakakunot ang noo'ng nakatingin samin.
"What?! M-mama mali po ang iniisip nyo" Sabi ni alexa na nakaupo sa kama.
"Tsk tsk! Bumaba kana alexa at mag luto ng lunch" Sabi nya at iiling-iling na umalis.
Lumabas na din ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ko.
Tsk! wala namang malisya yun napaka arte nya!
ALEXA'S POV
Arrggg! Nakakahiya! Bat ganon agad yung naisip ni mama?
Ganon ba talaga ang iisipin ng ibang tao pag naabutan ang babae't lalaki sa loob ng kwarto at nasa kama pa? SAGOT!
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng kusina para mag luto ng lunch namin. Nang matapos akong mag luto ay umupo na kami ni mama pero wala pa si travon.
"Alexa tawagin mo na si travon sa kwarto nya" Sabi ni mama. Kainis sabi ko na ipapatawag nya sakin.
"Sige po" kabado akong lumakad paakyat para tawagin sya.
Kumatok muna ako.
"Travon? Kakain na lumabas kana dyan!" Sigaw ko sa labas ng pinto nya.
"Hoy travon!? Pinapatawag kana ni mama!" Inis na sigaw ko.
Kainis bala ka jan! Bumaba na ulit ako at bumalik sa upuan ko.
"Oh asan na si travon?" Tanong ni mama.
"Mukhang tulog po ma, Mauna na po tayo"
Nag simula na kaming kumain maya maya lang narinig namin ang yabag pababa ng hagdan. alam ko na kung sinu yun kaya tumayo ako at inihanda ang plato nya, nilag yan ko na din ito ng kanin at ulam.
YOU ARE READING
When you came to me..
RomancePrologue Life is not fair. Sometimes you have to experience trials to get you up and realize that life is not that easy. Minsan mapapatanong ka na lang Why when it comes to me,it seems to be too difficult? Na sa sobrang hirap minsan kailangan mo nan...