Prologue:
Kung may F4 sa Meteor Garden, trust me. Meron ding F4 sa school namin. Ang kaso nga lang C4 ang tawag namin sa kanila. And C4 stands for Crazy 4.
ZION SHADOW BLAIR. Siya ang leader ng C4. Gwapo, mayaman, mayabang, arogante, at bastos. Hindi ko alam kung anong breeding ang ginawa ng parents niya sa kanya. Pero I think kaya siya ganon ay dahil na rin sa dala-dala niyang surname. At siguro, dahil na rin sa ate niyang si Zereena Blair.
STEFFAN LOPEZ. Ang parating nakabuntot kay Zion. Ewan ko lang kung bakit. Siguro sa kanilang apat, silang dalawa ang magbestfriend. At tulad ni Zion, gwapo rin ito at mayaman. Playboy nga lang at mukang manyak. Hindi kuntento sa isa o dalawang babae niya. Gusto niya idate lahat. Exemption nga ang ako.
NICKY PEREZ. Ultimate shunga ng grupo nila. Kung hindi lang siguro kilala ang panilya nila, wala pa sana siya ngayon sa college. Siguro hanggang ngayon nasa highschool pa din siya. At sa pagkakaalam ko, kaisa-isang anak lang siya ng mga Perez. Spoiled. At oo, basagulero din. Siya ang isa sa ultimate bully sa school maliban pa dun sa dalawang nauna.
JETHRO CRUZ. Ang dark and stormy ng grupo nila. Madalas lang na tahimik at nakaheadphone habang suot ang hood niya. Maiilap ang mga mata niya. At siya din ang pinakamatalino sa grupo nila. Sa pagkakaalam ko, galing siya sa isang broken family at sa kanyang lola siya lumaki at naninirahan hanggang ngayon. At sa kanilang apat, siya ang pinakakilala at pinakaclose ko (dati). Pero the other 3 doesn't know it.
At ako?
Ako lang naman si Rhinoa Asherlette Flores. Hindi ko masasabing isa akong nobody dahil sikat din naman ako. Sikat sa mga katarantaduhan ko din. Well, sa dating school ko.
At ang crazy life ko ay MAS naging crazy pa ng magtransfer ako sa school na pinapasukan ng C4.
(a/n: I will try my best po para maging ok yung takbo ng story. Hehe. Alam na! Sana magkaroon naman ako ng read and votes and even comments para ganahan akong mag-UD. Pa-follow na din. Kamsahamnida! :-D )