Here I am. Staring at my new school's gate. Sainsbury's University. Isshh! Bakit ba kasi kelangan ko pang magtransfer?! Ay, oo nga pala. Naalala ko na ngayon. Nakick-out pala ako sa school na dati kong pinapasukan.
Habang naglalakad ako, nagtitinginan naman sila saken. Ano bang meron? May dumi ba ako sa muka? Sa pagkakaalam ko wala naman, ah. Tss. Weird.
"Siya ata iyong transferred student galing sa University of East Royal."
"Bakit daw siya nagtransfer?"
"Nakick-out daw ata."
Ilan lang yan sa mga bulung-bulungan nila. Fuuu. Pakialam ba nila? Mga tsismosa!
"Witwiw!"
"Wooohh! Chix!"
"Miss, single ako! I can be yours if you want!"
Duh?! Lakas tama! Mga feelingerong frogs! Kala mo naman kung sinong gwapo ang mga 'to. Tsk. Tsk. Ang hahangin!
Nasa tapat na ako ng magiging classroom ko. Room 10-45. Hmm. Nakakainis talaga. Pagtingin ko kasi sa likuran ko, nakatingin pa din sila sa akin at nagbubulungan. Problema nila?! Tinignan ko ulit iyong pintuan. Papasok ba ba ako? O wag muna? Waaahhh!!!
"Papasok ka ba o haharang ka lang jan sa pinto?" narinig kong tanong ng isang boses sa likod ko.
Dahan-dahan kong tinignan kung sino iyon. Waaaahhhh!!! Apat! Apat na lalaki na mukang mga gangster! Teka, bakit sana ako matatakot sa kanila? Eh, may gangster din kaya akong kuya!
"Narinig mo ba ang si--" hindi ko na hinayaang ituloy pa niya iyong sasabihin niya. I cut him off.
"Oo. Narinig ko!"
Nakita kong nanlalalim ang mga mata niya. Inakbayan naman siya nung isang kasamahan niya.
"Zion, relax lang. Mukang bago yan, eh. Hindi pa tayo kilala."
"Hell I care! Tabi nga jan!" sabi nung tinawag na Zion sabay tabig saken.
WTF?! Wala bang alam na manners 'to? Pwede naman siyang mag-excuse, ah! Hindi iyong basta na lang niya akong tinatabig!
Nainis ako at hinila ko siya paharap sa akin. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Hoy! Hindi mo ba alam ang tinatawag na GOOD MANNERS???!!! Pwede ka namang 'mag-excuse me', ah. Hindi iyong bigla-bigla mo na lang akong tinatabig!" singhal ko sa kanya. Mas lalo naman siyang nagulat. Nagtawanan naman iyong dalawa niyang kasama.
"Pwede ba?! Kilala mo ba ako, ha?!" galit na sabi niya saken.
"Oo! Wala kang kwenta! Iyon ka!" sabi ko sabay pasok sa loob ng room. Nakita ko na sobrang sama ng tingin niya saken bago lumabas ng room.