Chapter 7: Who Is Zion?

15 0 0
                                    

Binuksan ko iyong laptop ko. Nasabi kasi saken ng isang kaklase kong babae na may web page ang C4. Tinype ko iyong web address.

www.Crazy4Pakshet.com

Bakit may pakshet pa? Tss. Nang nabuksan ko na iyong page, bumulaga saken iyong pic ng apat. Nakauniform silang lahat dun sa pic. Si Steffan may hawak na rose. Si Nicky naman may hawak na gitara. Si Jet naman, as usual. Emo look pa din. At si Zion. Nasa gitna siya nung tatlo. At nakaupo siya. Hari talaga, eh.

Binuksan ko iyong profile ni Zion.

Name: Zion Shadow Ferreira Blair

B-day: January 13, 1997

Age: 17

FACTS

- been friends with Steffan the longest.

- never had a serious relationship with  girl.

- favorite hangout place: school's roof top

- has his own condo unit and living independently.

Wow yaman! May sarili siyang condo unit. At solo pa niya. Uwaw naman! Matuloy nga ang pagbabasa.

- unknown parents.

- came from a wealthy family.

- an athlete (captain of the school basketball team, a judo player, kickboxer, taekwondo player, and a racer)

Hmm... Matignan nga iyong mga photos. Inopen ko iyong isang photo dun. Silang dalawa ni Steffan iyon. Sabay silang nagyoyosi. Next. Solo pic niya iyon. At kuha 2 years ago. Mahaba pa iyong length ng hair niya sa photo na iyon. At meron siyang pierce sa ilong. Pero gwapo pa rin siya. Ahaha! Next. Picture niya at ng isang babae. Hindi ko mamukaan iyong babae kasi masyadong mahaba iyong bangs niya. Natatakpan na halos iyong mata niya. Si Zion naman mukang badtrip makatabi dun sa picture iyong babae. Next. Picture niya na naman. 3 days ago pa lang na kuha niya iyon. Nakangiti siya dun. Kaso stolen shot. Pero maganda iyong pagkakakuha.

Bakit ganito? Parang gustung-gusto kong tinititigan iyong stolen shot niyang nakangiti? Madownload nga! Haha! Pang-asar ko lang. Saka, wala namang naitulong tong page na to. Tss. Unknown yung family background niya. Ai, grabe naman! Basta ang sabi 'came from a wealthy family' daw siya.

Sino ka nga ba Zion? Isshh! At bakit halos walang alam ang mga fangirls mo tungkol sayo? Akala ko pa naman maraming nakakakilala sayo. Yun pala, kilala lang siya by name at birthday. Wala ding nakakaalam ng personality niya. Bat ganun?

Pinatay ko na ang laptop ko at humiga sa kama. Hanggang sa bumigat iyong mga talukap ng mga mata ko. Nakatulog na ako.

***

Late na akong nagising! Shemay naman! Mabilis akong bumaba ng hagdanan. Naghihintay na saken ang mga maids sa baba. May mga hawak silang breakfast.

"Mam Rhinoa, breakfast niyo po."

"Ha? Naku! Wag na muna ngayon, ha. Late na kasi ako, eh. Mabuti pa kayo na lang kumain niyan."

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon