Chapter 3: Their Past

13 1 0
                                    

Zion's POV

"Takte! Ano bang meron?! Sino ba kayo?! Bakit niyo ba niyayakap-yakap si Jethro?!" tanong ko dito sa apat na 'to.

Napatingin naman iyong apat saken. Tapos inakbayan nung Hiro si Jethro. Sabay ngiti. Pati iyong tatlong babae, ngumiti din.

"So, hindi mo pa naikwekwento sa mga barkada mo ang past niyo ni Rhinoa?" tanong nung babaeng may bangs at shoulder length ang buhok. Xea ata ang pangalan nito.

Tinignan namin si Jethro. Pano magkwekwento tong mokong na 'to, eh, napakatahimik niya! Minsan nga lang siya magsalita, eh! Ewan ko nga kung pano napasama sa C4 to. Masyadong weird.

"Hindi pa...," sagot ni Jethro. Ang tipid naman ng sagot niya! Anak ng amp naman talaga!

"Ano ba?! Ikwento niyo na lang kasi kung ano ba iyon kesa naman para kaming tanga dito na nanghuhula kung ano ba tala--"

"Shut the effin up, will yah!" sigaw saken nung babaeng kulot ang buhok at kulay red. Mildred ata tong isang 'to.

WTF?! Did she just shut me up?! Wala pang nakakagawa saken nun, ah! Well, except dun sa magaling kong kapatid. Si ate Ren. Sa totoo lang, magkaugali sila ni ate Ren. Pati iyong si Asherlette kaugali din ni ate.

"Look, we were too young then. Hindi na nila kelangang malaman iyong past namin ni Rhinoa," si Jethro.

Niyugyog naman siya ni Hiro na parang sinasabing sabihin na niya samen. Pero tumayo lang si Jethro at naglakad palayo samen. Tss. Weirdo.

"Kung ganun, ako na lang ang magkwekwento," si Hiro.

We started listening to him.

"They were only 13 ng magkaroon sila ng commitment. Nagkakilala sila noong 8 years old pa lang sila. Naging magbestfriends. Hanggang sa nadevelop into love iyong friendship nila," he sighed bago itinuloy ang pagkwekwento,"Then hayun nga! Nagkaroon sila ng relasyon sa isa't isa. Kami namang apat na older siblings niya, pumayag sa relasyon nila. Kasi nga kilala naman namin si Jet in person. Ang kaso...," hindi niya itinuloy iyong pagkwekwento at tumingin siya dun naman sa kakambal nung Mildred.

Si Misha ang nagtuloy sa pagkwekwento niya,"Nagtagal din sila. One year and 11 months. Hindi umabot ng 2 years. Kasi may nangyari sa kanila. Our sister found out na meron pang ibang karelasyon si Jet. Nasaktan ng sobra si Rhinoa. At hayun nga. She broke up with him."

Napanganga kami. Wow! Ang tinde! Si Jethro at si Ashi, nagkaroon ng relationship in the past?! Uwaw! At hindi lang iyon, playboy din pala ang mokong. Silent killer pala siya. Tsk. Tsk.

Pero kawawa naman si Ashi. Minahal niya ng sobra si Jet, pero niloko lang siya. Si Jet pa mandin ang member ng C4 na hindi makabasag pinggan. Tas siya din pala malala ang ugali. Hindi ko to inexpect, ah! Deym!

"Teka! Paano naging mag-ex sina Jet at si... Si... Ano ulit pangalan nung magandang babae kanina?" napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Nicky. Kahit kelan talaga, bobo tong taong to! Hindi ba siya nakikinig kanina sa nagkwekwento?!

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon