Chapter 10: Zereena's Party

6 0 0
                                    

Rhinoa's POV

Nanlulumo akong humarap sa salamin. Parang magkakasakit ata ako dahil hindi ako nanalo sa deal namin ni Zion. Nakakainis. Pano ko haharapin si ate Ren nito? Mabuti pa sigurong wag na akong umatend ng party niya.

BEEP

From: ate Ren

Ashi, punta ka sa party ko ah. I'll be expecting you there.

Hay, ano ba yan?! Nagtext pa siya. She's expecting me daw. Okay, fine! Pupunta na lang ako. Mag-eexplain na lang din ako kapag nagtanong siya kung bakit wala iyong kapatid niya.

"Miss Flores, ang ganda mo talaga even without make-up! Manang-mana ka sa mama niyo!" sabi ni Tommy. Ang baklang make-up artist ko. Ngumiti lang ako sa kanya at hinayaang gawin niya ang magic niya.

After kong malagyan ng make-up, isinuot ko na iyong dress ko. Kulay dark blue ito na above the knees ang haba. Isinuot ko na din ang 5 inches heels ko na kulay black at may blue glitters.

"Miss, kanina pa po kayo inaantay ng mga kaibigan niyo sa labas," sabi saken ni butler John habang inaalalalyan niya ako pababa ng hagdan.

Nagtaka naman ako, "Sino pong mga kaibigan ko?"

"Mga classmates mo daw, miss. Apat sila."

"Apat?"

Ah, baka naman iyong C4. Sila lang naman kasi nakakaalam kung saan ako nakatira, eh. At bakit nila ako inaantay? Ibig bang sabihin, aatend sila? Waaahhh!! Thank you Lord!

Pagbukas ng malaking pintuan ng mansion, tumambad saken iyong apat. They are wearing tuxedo. Nakawhite tuxedo si Steffan. Si Nicky naman nakared. Green naman ang kay Jet. At si Zion nakablack tuxedo. Yummy! Ang gwapo nila sa mga tuxedo nila. Bagay na bagay sa kanila iyong mga tuxedo nila.

"Wow naman! Ganda ng porma natin, ah!" nakangiti kong sabi.

Hindi pa rin sila umiimik. Nakatanga pa din sila. May multo ba sa tabi ko?

(-_-  ) (  -_-)*

Wala naman! Isshh! Mga weirdos talaga. Crazies!

>u< ---> Steffan

O_o ---> Nicky

+_+ ---> Jethro

~__~ ---> Zion

Waaahhh!! Stop staring at me, please. Feeling ko namumula na ako. >///<

"Hanep! May igaganda ka pa pala, Rhinoa!" si Steffan.

"Oo nga! Kala ko maganda ka na, may igaganda ka pa pala!" si Nicky.

"T-talaga? Hehe. Thank's guys."

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon