Red's POV
Kararating ko lang dito sa Pilipinas. Argh! It's so hot naman! Kung tinatanong niyo kung kasama ko yung kakambal ko, ang sagot ko ayos hindi. Busy kasi siya. Hindi na nga kami nakakapagbond, eh.
Bigla na namang bumaliktad yung sikmura ko. Naghanap agad ako ng basurahan. Hayun!
*hwaaarrrkkk*
Damn! Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung labi ko. Halos 2 weeks na akong ganto. Bigla-bigla na lang naduduwal. Shit! Nakakawala ng poise.
Pumara na ako ng taxi.
"Mam, saan po tayo?" si manong driver.
"Ah, sa Red Palm Tree Hotel po tayo."
Bakit hindi na lang ako dumiretso sa mansion namin? Simple! Ayoko lang munang umuwi. Yun na yun. Saka, isa pa, natatakot ako sa pwedeng sabihin ni mommy saken. Lalo na at ganito ang sitwasyon ko sa ngayon.
"Mam, nandito na po tayo," si manong. Nandito na pala kami sa RPT hotel ng hindi ko man lang namamalayan. Tss.
"Ay, sige kuya. Pakibaba na lang po yung mga bagahe ko."
Pagkababa ni kuya dun sa mga bagahe ko, iniabot ko na yung pamasahe ko sa kanya.
"P1000 mam? Wala po ba kayong barya? P250 lang po yung pamasa--"
"Keep the change na lang po."
"Naku! Salamat, mam!" sayang-saya namang sabi niya.
Pumasok na ako sa loob. Tinulungan naman ako ng dalawang bell boys para sa mga bagahe ko.
"Sa room 305 po kayo mam. Enjoy your stay!" sabi nung receptionist.
"Ah, thank you."
Sumakay na kami nung dalawanv bell boys sa elevator papuntang 10th floor ng hotel. Paglabas namin mula sa elevator, pumasok na kami sa 305.
Inilapag ng mga bell boys yung mga maleta ko sa loob ng room. Iniabot ko naman sa kanila ang P2000. A thousand for each of them. Pinaalis ko na sila.
Ang laki ko magbigay ng tip, noh? Well, sweldo nga ng mga katulong namin sa mansion P10,000 a month, eh. Yung mga ordinary maids lang yan, ha. Yung mga butlers naman namin P20,000 ang sweldo. Yung mga personal maids naman namin P15,000. At syempre pa, ang mga favorite nannies namin na sumusweldo ng P25,000.
Kaya kung gusto niyo sumweldo ng malaki, mag-apply kayung maid samen. Hehe. Yayaman ka agad after 5 years.
Hmm. Alam kong kanina pa kayo nangangating magtanong diyan. Bakit ko nagbalik? Bakit ako nagsusuka for almost 2 weeks now? Well, masasagot din yang mga tanong niyo. Wag masyadong excited. Baka maatake kayo sa sakit sa puso magkasala pa ako at si @GCI. Mamya niyan ipakulong niyo pa siya. Hindi matuloy tong kwento ng kapatid ko at ni Zion.