Chapter 24: KimJet Moment

9 0 0
                                    

Jet's POV

Gabi. Kakauwi ko lang galing school. Nagyayaya pa kanina ang C4 na magclubbing daw kami. Kaso umayaw ako. Wala ako sa mood, eh.

Pagkapasok ko sa loob, umakyat na ako papuntang kwarto. Tahimik lang ang mansion namin. Sina mama at papa kasi nasa US. Yung mga maids naman namin alam yung ugali ko. Ayaw ko sa maingay.

"Hi, baby!" nagulat ako. Nadatnan ko kasi si Kim sa loob ng room ko. Woah! Alam ko kung ano iniisip niyo! HINDI KAMI GANUN! Nasanay na lang ako sa kanya. Pabigla-biglang pumapasok sa room ko. But we NEVER did the THING you are thinking!

"Anong ginagawa mo na naman dito, Kim?"

(T__T) ---> Kim

"Bawal ko na bang bisitahin ang pinakamamahal kong lalaki sa buhay?"

Nakamot ko na lang yung batok ko. Minsan masyadong keso tong si Kim.

"Eh, halos araw-araw nandito ka sa bahay ko. Kulang na nga lang dito ka na tumira, eh."

Niyakap niya ako sa likod.

"Pwede?"

(>\\\<) ---> me

Oo na! Ako na ang nagblablush. Tss. Masama ba? Sweet kasi masyado tong si Kim. Kaya nga... Kaya nga... Psh. Hirap sabihin.

"Babe, sorry, ha...," biglang bulong ni Kim saken.

"Sorry saan?"

"Dun sa ginawa ko kanina. Yung pagpunta ko sa school niyo. I should've trust you."

I sighed, "Kim, naiintindihan kita. At maniwala ka man o hindi, pinipilit kong mahalin ka tulad ng pagmamahal mo saken."

"Wag mong pilitin. I can wait naman, eh. Kilala mo ako, Wyatt."

Iniharap ko siya sa akin at tinitigan. I kissed her forehead. Wala akong masabi. Ewan ko ba. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"You are the best thing that happened to me," she whispered.

Hindi ko pa din alam kung anong sasabihin ko. BEST THING. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng guilt.

"Kim, sorry kung hanggang ngayon nahihirapan ka pa rin sa sitwasyon natin. Sorry kung yung puso ko hindi ko maipapangako sayo. Sorry kung halos araw-araw kang lumuluha. Alam ko naman, eh. Kahit hindi mo sabihin. Alam kong halos araw-araw kang umiiyak. Sorry talaga. I'm so sorry."

Naramdaman kong pumatak ang mga luha niya sa leeg ko. Alam ko. Humigpit yung pagkakayakap niya saken.

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon