Uwian na. Biglang may humablot sa braso ko. Aray naman daw. Si Zion lang pala iyon. Hinatak niya ako paloob sa isang sulok nung hallway. Nagtataka ako.
Medyo itinulak niya ako sa pader. Ano bang problema niya? Hindi naman ako makapagsalita. Kasi naman! Nakatitig saken iyong mga mata niya! At ngayon ko lang napansin, color grey pala iyong mga mata niya. Ang ganda. Sobra.
"Rhinoa...," he said in a husky voice. Ramdam ko na iyong hininga niya kasi sobrang lapit na nung muka niya sa muka ko.
"Z-Zion? B-bakit?" ano ba iyan? Nabubulol pa ako! Pakshet naman!
Toogs! Toogs!
Grabe iyong puso ko! Parang gigibain na iyong dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok. Ai, shemay! Ano na ba talagang nangyayari saken?
"Rhi... I just want to..."
"H-ha?"
Ano ka ba naman Zion?! Kinakabahan na ako sayo! Anak ka ng teteng! >__< Kulang na lang talaga lumundag na iyong puso ko palabas dahil sa nerbyos, eh.
CHUP!
Hindi ako nakagalaw. Para akong itinulos na kandila. Parang natutunaw na ewan. Gusto ko siyang itulak pero sabi ng puso ko wag daw. Ai, ano ba iyan? Pero ang sarap lang kasi sa feeling, eh. Hehe. Pero bawal to! Hindi pwede! Wala naman kaming relasyon, ah! Waaahhh!!! >///<
Grabe! Ang lambot ng labi niya. Bakit ganun? Akala ko kasi rough iyong lips niya kasi parati ko siyang nakikitang nagyoyosi. Pero hindi! It's so soft ang smooth. Waaaahhh!!! Stop it, Ashi!
Naramdaman kong humiwalay na iyong labi niya sa labi ko. At nararamdaman ko pa din iyong hininga niya. Dahan-dahan kong iminulat iyong mga mata ko. At nakita ko siya.
Nakatitig pa din saken! Kyaaaahhh!!
Wala pa din akong masabi. Speechless. Pati iyong puso ko ayaw paawat. Grabe iyong tibok. Ang lakas at ang bilis!
"Rhi, sorry...," pabulong na sabi niya saken sabay talikod at naglakad palayo sa akin.
Naiwan akong nakatanga. Walang hiyang lalaki iyon! Hahalikan ako sabay sorry at sabay alis. Waaahhh! Bumalik ka dito! Peste ka! Magnanakaw ng FIRST KISS!!! Waaahhh!!!
***
Hala! Nawawala pa rin ako sa concentration. Nandito kami sa gym ngayon at naglalaro ng volleyball. Ang kaso, ilang ulit ko ng napapakawalan iyong bola. Hindi ko matamaan. At dalawang ulit na din akong natatamaan ng pesteng bola sa katawan. Isssshhh!! Pesteng halik kasi iyon!
"Rhinoa! Ano bang nangyayari sayo?" tanong saken nung coach namin.
"Coach, sorry. Wala lang po ako sa concentration ngayon, eh"
"Masama bang pakiramdam mo?"