"Dude, nakatanga ka na naman jan," bulong saken ni Steffan. Storbo naman tong gagong to.
"At ano ba iyang palagi mong tinigitigan, ha?"
Mabilis ko namang ibinulsa iyong phone ko. Mahirap na.
"Gago talaga to. Ano ba kasi iyon, Zi?"
"Ah, wala. Saka, pakealam mo ba?! Tsismo!" sabi ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko. Ayoko ngang sabihin kung ano iyong tinitignan ko. Asarin pa ako, ai. Wooohh! No way!
"Hoy, Zi! Wait lang!"
Nagsabay na kaming naglakad. Habang naglalakad kami sa corridor, may narinig kaming nag-uusap. Or should I say, nagtatalo. At parang boses nina...
"Parang boses nina Rhinoa at Jet iyon, ah," sabi saken ni Eff.
"Oo nga, eh. Tara. Tignan natin"
Patago kaming nakinig sa usapan slash pagtatalo nila. Tahimik lang kami. At talagang tagung-tago kami ni Eff.
"Nambabae ka! Iyon na iyon! At ngayon gusto mong makipagbalikan saken?! Suck it up!" galit na sabi ni Rhinoa.
What?! Nakikipagbalikan si Jet kay Rhinoa? Wow ha. Bilib ako kung matatanggap pa siya ni Rhinoa.
"Immature lang ako that time," si Jet.
"Immature? Haha! Maybe. At siguro, IMMATURE din iyong puso ko that time. Kasi nagpakatanga ako sayo. Umiyak ng dahil sayo."
"Rhi, I'm sorry. I really am sorry."
"Huli ka na Jet. I moved on."
Moved on? Woah! May mga ganun pa silang nalalaman. Hehe. Pero bakit ganun iyong itsura ni Rhinoa? May pain pa din sa mga mata niya. At parang naiiyak siya pero halatang pinipigilan niya. Si Jet naman iba sa parati naming nakikita sa kanya. Nakatanggal ang hood niya ngayon. At kitang-kita mo iyong buong muka. Ganyan ba niya kagusto ang babaeng iyan para lunukin lahat ng angas at pride niya?
"Rhi, wala na ba talagng chance?"
"Haha! 3 years na ang nakakaraan, Jet! Tatlong taon! At sa tingin mo may babalikan ka pa?! Chance?! Bullshit!"
Galit nga si Rhinoa. Sure ako. Nakatago pa rin kami ni Eff. Nakita naming tinalikuran ni Rhinoa si Jet. Umalis na ito. After 10 minutes, umalis na din si Jet. Buti naman. Ang inet na kasi dito sa pinagtataguan namin ni Eff. Masyado na kaming close. Ng liningon ko siya, anak ng puta! Muntik pa kami maglips to lips ng gago sa sobrang dikit namin!
"Yuck! Dre, magbestfriend tayo! Walang ganyanan!" react niya. Tinulak ko naman siya sabay batok.
"Muka mo ulol! Ano ako?! Bading?! Kadiri to! Tara na nga!"