"Rhinoa!!!"
Aish! Para namang nawawalang bata tong si Steffan kung makapagtawag saken. At kasama pa niya si Zion. Ewan ko kung bakit naasar ako everytime na nakikita ko tong lalaking to.
Nakalapit na sila sa akin. Inakbayan ako ni Steffan. Kung minsan hindi ko maiwasang isipin na may gusto saken tong si Steffan, eh. Hehe. Assuming lang.
"Eew! Bakit mo inaakbayan yan?" tanong naman ni Zion. Makapag-eew naman. Ano ako? Bacteria?!
"At ano namang 'eew' sa pag-akbay niya saken? Mas eew ka pa nga saken, eh!"
Natawa naman si Steffan, "Haha! Selos kasi siya, Ashi. Crush ka niyan, eh."
Binatukan siya ni Zion.
"Ulol! Anong crush pinagsasabi mo? As if naman!"
"Haha! Eh, dude, bakit masyado kang affected sa sinabi ko?"
"Ako affected? Hindi, ah! Sige. Diyan na nga kayo. Psh." naglakad na siya palayo samen. Napatingin naman ako kay Steffan.
"Tara na!" yaya niya saken ant iginiya na niya ako papuntang room namin.
Pagkapasok pa lang namin sa room, nag-iirapan na saken ang mga babae naming classmates. Ewan ko kung anong problema nila. Wala naman akong ginagawang masama.
"Iba na talaga ang mga transferrees ngayon! Mga malalandi na!" parinig ni Megan.
"Haha! Oo nga! Ibang landi ang alam!" sang-ayon naman ng bestfriend niyang si Trisha.
Nagpanting na ang tenga ko kaya lumapit na ako sa kanila.
"Sinasabi niyo bang malandi ako?" tanong ko.
"Hindi ba? Eh, kaya ka nga nakick-out sa UER dahil sa kalandian mo, di ba?" Megan.
Ngumiti ako. A sarcastic smile. Pagkatapos bigla kong hinila iyong buhok niya na nagpatili sa kanya.
"Aaaaaaaahhhh!!! Bitch!!! Bitawan mo ako!!! Aaaahhh!!!" tili niya.
Imbes na bitawan ko siya, kinaladkad ko pa siya at itinulak sa sahig. Napahiga siya. Bago pa siya makabangon sinipa ko na siya sa sikmura. She curved her stomach in pain. Walang may gustong umawat saken. Malamang! Takot lang nila.
"Iyan ang dahilan kaya ako nakicked out sa UER! Ngayon alam mo na! Alam niyo na!" sabi ko habang pinapanood si Megan na umiiyak sa sakit. Binalingan ko naman si Trisha,"Ikaw? Gusto mo din bang manghiram ng muka sa aso?!"
Nakita kong napalunok si Trisha. Nanahimik lang siya. Pero laking gulat ko ng biglang may sumigaw sa may pintuan.