Masakit ang ulo ko ngayong pumasok sa school. Hangover. Nagyaya kasi ng inuman iyong mga kaibigan ko sa UER kagabi. Pumayag naman ako. Kaya heto ako ngayon. Ouch! Sakit talaga ng ulo ko. Waaahhhh!!!
Bigla akong napaupo sa sahig ng hallway ng bigla akong mabangga ng kung sino. Aray ko po! Sakit na nga ng ulo ko, pati pwetan ko masakit na din. Waaahhh!!!
"Paharang-harang kasi!" bulyaw ng nakabangga saken.
Tinignan mo naman siya. At sino pa nga ba kundi ang mayabang na si Zion iyon! Shete talaga, oh! Siya iyong bumangga saken, siya pa may ganang magalit. Swerte siya at masakit ang ulo ko.
"Tabi nga jan, Zion! Umagang-umaga nambwibwisit ka!" tinabig ko siya.
"Hoy! Anong karapatan mong tabigin na lang basta si Zion, ha?!" bigla namang sumabat ang isang babaeng panget. Panget siya. Ang kapal ng make-up niya sa muka tas sobrang ikli ng palda niya. Mukang pok-pok. Hehe. Ang bad ko.
"Pwede ba, miss. Wag kang humarang," kalmado kong sabi.
"Aba't! Gusto mo bang masampal?" si miss martilyo.
Nagpanting ang tenga ko kaya hinarap ko na siya. Nakakainis na kasi siya, eh. Masyado nang epal. Una si Zion. Pangalawa si miss martilyo!
"Baka naman ikaw ang gustong makatikim ng sapak at tadyak. Alam mo ba kung bakit ako nakick-out sa UER?" I smiled in an evil way,"Kasi may nasapak akong babae dun at nalagas lahat ng ngipin niya."
Napalunok naman si miss martilyo. Naglakad na ako palayo sa kanila. Isshh! Lalong sumakit iyong ulo ko. Ano ba naman iyan?! Sandamukal na kamalasan naman iyan! Umagang-umaga pa lang.
Pagpasok ko sa room, sumalubong saken si Steffan na nakangiti. Inakbayan niya ako.
"Good morning, Asherlette! Bakit muka ka yatang problemado?"
"H-hangover, eh."
"Hangover?! Umiinom ka?!" gulat niyang tanong saken.
Tumango lang ako at inilagay ang ulo ko sa ibabaw ng desk. Siguro itutulog ko na muna 'tong sakit ng ulo ko. Hindi ko na kasi kaya.
***
"Hoy, babae! Gising na. Tulog mantika!"
Naramdaman kong may yumugyog saken. Minulat ko ang mga mata ko. Itinaas ko ang ulo ko at nagulat sa nakita ko.
"Surprise!!!" sabay-sabay nilang sabi.
Nagulat talaga ako. Hindi ko inexpect na pupunta sila dito mismo sa school ko. Wew! Speechless pa din ako.
"Ui, okay ka lang?"
"Waaahhh!!! Ate Misha! Ate Xea! Ate Mildred! At kuya Hiro! Waaahhh!!!" niyakap ko sila.