Kim's POV
Bumaba ako sa kotse ko. Andito na din ako ulit sa Sainsbury's. Hmm. Matagal na ding hindi ako nakapunta dito. Simula nung iwan ko si... Never mind!
Nagllakad na ako papunta sa room 10-45. May kelangan kasi akong makita dun. Kelangan kong makita ang taong yun. Kelangang-kelangan.
Nakarating na ako sa harap ng room 10-45. Tulad pa rin ng dati. Magkakaklase pa din sila. At ano tong nakikita ko? Teka! That's! Siya yung... My goodness!!!
"Ah, miss, may kelangan ka ba?" tanong saken ng isang lalaki. Kinuha ko yung I'd niya at binasa ang pangalan niya. John Salazar. Ok.
"Ahm. John, sino yung babaeng inaakbayan nung lalaking yun?"
Tinignan niya yung itinuro kong babae sabay kamot sa batok niya.
"Naku, miss! Sorry. Can't help you," sabay layo saken. Asar!
Bigla ko namang napansin na nakatingin na pala ang room 10-45 saken. Bigla namang nagsilapit saken yung dalawang mokong.
"Hoy! Bakit andito ka?!" sigaw saken nung isa.
"It's none of your business, Steffan. Pake mo ba?"
"Wow naman! After all these years bigla ka na lang magpapakita dito at sasabihan ako na it's none of my business?! Duh?!"
Aba't! Peste talaga to, ah. Makulit much! Argh! May hinahanap lang naman ako dito, eh. Mabuti pa tanungin ko na lang tong lalaking to.
"Look, I'm just here to look for someone. And maybe you can help me."
(O____O) ---> Steffan
"Baliw ka ba?! Utot mo! Manigas ka! No way! Diyan ka na nga!" tinalikuran niya ako? OMG!
Tinalikuran lang ng isang lalaki ang isang Kimberly Quintinita na katulad ko?! How dare him?! Sino ba siya sa akala niya?! Oh, I forgot. Siya pala ang heir ng isa sa mga sikat na casino sa Vegas. Eh, ano naman?!
Hindi na talaga ako nakatiis, "SINO SA INYO SI MISS FLORES???!!!"
Natahimik silang lahat. Duh?! Nagtanong ako tas wala man lang sumagot? How rude? Tss. I just asked kung sino si miss Flores. Mahirap bang sagutin yun?
Lumapit saken ang isang babaeng mas matangkad saken. 5'2" lang kasi ako. At well, maganda rin siya. And napansin kong she's not wearing any make-up. Hmm. Natural beauty. At siya yung inaakbayan ni Zion kanina pa.
"I'm miss Flores," sabi niya. Ano daw?! Siya si...
(O______O)
"You?! Ikaw si miss Flo--"