Chapter 18: Razcals Meet C4 and Black Pumas

6 0 0
                                    

Zion's POV

Pagkagising ko, sinabi ko na kay Zereena na tawagin at papuntahin yung syota at yung barkada niya sa hospital. Nalaman ko din na nandito na sa Pinas si Hiro, yung kuya ni Rhinoa. Sinabi din saken ni Steffan na pupunta ito sa hospital para kausapin kami.

Pinalabas ko muna sina Zereena at Rhinoa sa kwarto ng magtext saken si Hiro na meron na daw sila.

Nang makapasok sila, tinignan nila ako kaagad. Parang may pinag-aaralan sa muka ko. Nyemas! Mas gwapo pa din ako kahit na may mga pasa ako sa muka! Tanggapin niyo na yun!

"So, nabugbog ka nila ng ganyan-ganyan na lang?" bungad-tanong saken ni Crix.

"Haha! Wala ka pala, eh!" si Blue. Yabang talaga neto.

"Hindi siya nabugbog. Nagkusa siyang magpabugbog para sa kapatid ko," singit naman ni Hiro. Napatingin naman sa kanila yung apat pati na din yung tatlo kong mga kaibigan.

May anim na kasama si Hiro. Halata mong mas professional pa sila samen pagdating sa bakbakan. Yung pretty boy aura ni Hiro parang nawala. Parang napalitan ng evil aura.

"Nalaman ko na sinaktan din nila ang baby sis ko. Pinagsasampal ng kapatid ng isa mong kaibigan."

"Si Stellar yun. At hindi ko siya kapatid," si Steffan. (#__#)

Bumuga muna ng hangin si Hiro, "Ano ang plano mo ngayon, Zion?"

"Maghihiganti ako. Sinaktan nila si Rhinoa. Sinaktan nila yung babaeng wala namang kinalaman. At higit sa lahat, yung babaeng mahal ko," I said coldly.

Ngumiti naman silang lahat sa sinabi ko. Parang iisa lang ang iniisip namin.

"Teka, may gang ka ba Zion?" tanong naman ni Zero. Malamang!

"Oo. Frozen50. Eh, kayo?"

"Black Pumas. Siyanga pala, mga kasama ko. Si Blue Ramirez, Spike Lopez, at Crix Sarmiento," pakilala niya sa mga kasama niya. Nakilala ko na sila sa party ni Zereena noon.

"Lopez ka pala! Pinsan!" sabi naman ni Steffan kay Spike. Assuming. Porke Lopez, pinsan agad? Tss.

Napatingin naman kami kina Hiro. Nalaktakot naman kasing magtanong sa taong to ngayon. Nakakabading! Iba kasi yung aura niya, eh.

"Hiro Lee Flores. Gang leader ng Razcals at boss ng isang mafia sa Japan. Mga kasamahan ko. Sina Alexus Montemayor, Kevin Danaw, Seth Navarro, Louigi Ferreira, Jam Salazar, at Shaw Gonzales."

"Razcals? Hiro? Teka, mga pioneers kayo, eh! Kayong pito, mas kilala kayo sa tawag na TSP or THE SEVEN PIONEERS, hindi ba? At Hiro! Ikaw pala yung ghost member nila! Haha!" tuwang-tuwa namang epal nung Blue.

Sikat pala talaga tong gang ng kuya ni Rhinoa. Minsan ko lang narinig yung Razcals. Noong bago pa lang yung gang namin.

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon