Chapter 5: Family Family Family

11 1 1
                                    

"Waaahhhh!!! Kuya! Mga ate! Bakit may halimaw dito sa mansion?!"

Nagulat talaga ako. Ai, grabe na 'to! Promise! Pagdating ko kasi dito sa mansion, nadatnan ko iyong C4 sa may living room. Anong ginagawa ng apat na iyan dito?! Waaahhh!!! At bakit pati iyang pesteng Jethro na iyan, nandito?!

"OA mo naman, baby sis. We invited them to have dinner with us," si ate Red.

Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate. WTF?! Ano bang iniisip nina ate at kuya?

"Pero bakit?"

"Bakit? Masama? Naku! Baby sis, pumunta ka na nga sa room mo at magpalit!" si kuya.

"Pati ba naman ikaw kuya? Wala na ba akong kakampi sa inyo?" nagpuppy eyes ako. Ang kaso, binatukan lang ako ni ate Xea.

"Sabi ni Hiro magpalit na at malapit na ang dinner," ate Xea.

Huhu. Aray naman. Para nagtanong lang,eh, batok na agad ang nakuha ko. Hmp! Nyemas talaga!

"Oo na po!!!" padabog akong umakyat papuntang kwarto ko.

Nagshower muna ako. Hay. Sarap buhay. Hehe. Hmm. Bakit nga kaya ininvite nina ate iyong C4? Hmm... Ewan. Pero alam kong may plinaplano sila.

Nagsuot na ako ng damit. Isang neon green na fitted na sando at isang white shorts. Wag na kayong magtaka. Ganito lang talaga ako manamit dito sa bahay.

Pagkababa ko, nakita ko ang mga siblings ko na kausap pa rin iyong apat na mokong. Tss.

"O! Nandito na pala si Ashi, eh. Tara na. Pumunta na tayo sa dinning room," si ate Misha.

Napatingin naman saken iyong apat. Halos mapanganga naman sina Nicky at Steffan. Hala! Bakit? Anong meron? May multo ba sa likuran ko? Malingon nga. Wala naman! Psh. Mga weirdos.

"Wow! Rhinoa, ang sexy mo pala!" si Steffan.

>///<

Waaaaahhh!!! Feeling ko namumula ako! Sexy? Waahhhh!!! Bwiset tong Steffan na 'to!

"Hey! Walang ganyanan. Baka ipasalvage namin kayo," si kuya.

"Oooppss! Sorry kuya Hiro. Hehe."

Sabay-sabay na kaming pumunta sa dinning area. At habang kumakain kami, nag-uusap sina ate, kuya, at ang DAKILANG C4.

"Babalik na kami sa Manhattan sa Monday," si ate Red. Woah! Nagulat naman ako dun.

"A-ate? You're going back again?"

Tinignan nila akong lahat. Curiousity hits the eyes of C4.

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon