Chapter 22: The Ex-Girlfriend!

4 0 0
                                    

Rhinoa's POV

Jusko po! Heto na naman siya at nangungulit. Bakit ba ang kulit-kulit ng kapreng to? Kakauwi lang kasi niya galing hospital. Pinipilt siya ni Tita Zeferine na sa mansion na lang nila siya tumuloy pero ayaw pa din niya. Kaya idineretso na lang namin siya dito sa condo unit niya. At heto nga kaming dalawa sa room niya.

"Sige na. Isa lang naman, eh!" nakapout pa niyang sabi.

"Tse! Magtigil ka nga, Zion! Masyado kang adik!"

"Kiss lang naman, eh. Adik ka diyan!"

(>\\\\<)

"Omo! Anong kiss lang? Mabuti pa magpadeliver ka na lang ng makakain natin. Hindi yang kiss-kiss na iyan!"

"Tss. Andamot mo!"

Binatukan ko siya, "Madamot?!"

"Aaraayy!"

Ai, oo nga pala! May benda pa siya sa ulo niya. Naku! Iniinis kasi niya ako, eh!

"Naku! Sorry. Hindi ko sina--"

*chup*

Alam niyo kung anong ginawa niya saken? HINALIKAN NIYA AKO SA LABI!!! Naman, oh! Lagi na lang siyang ganyan. Pabigla-biglang nanghahalik. Naku! Kung hindi ko lang talaga mahal to pinagsasampal ko na.

"Ui, nasarapan ka na masyado, ah!"

Minulat ko yung mga mata ko. Tapos na pala yung kiss! Waaahhhh!! Nakakahiya! Ano ba yun? Nahuli pa niya akong nakapikit ng todo. Nakakahiya!

"Anong nasarapan?! Tse!"

"Haha! Don't deny it. Kitang-kita ko kaya."

"Manigas ka! Ilusyonado! Amp!"

"Aysows! Halika nga dito," hinila niya ako at niyakap.

"Hmmm... Order ka na ng foods natin. Please?" nagpuppy-eyes ako sa kanya.

"Ok. Anong gusto mo?"

"Mmmmm... Chinese foods, Japanese foods, Korean foods, choco lava cake, and ice cream!"

"Andami naman! Para na tayong bibitayin nun!"

"Sige na nga! Korean kimchi noodles na lang and mint flavoured ice cream."

Binitawan niya ako at tumayo siya. Sumandal siya malapit sa bintana niya.

"Hello? Ah, yes. Si Zion to. Magdala ka ng Korean kimchi noodles na dalawa at isang gallon ng mint flavoured ice cream dito sa condo ko. Bilisan mo! Wag kang babagal-bagal!"

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon