Chapter 20: The Other Lopez Is Back

6 0 0
                                    

Steffan's POV

Pagkaalis namin sa hospital, dumiretso na ako dito sa airport. Aantayin ko na yung kapatid kong manang-mana saken. Hehe. Pero syempre mas gwapo pa din ako. Wag na kayong umangal! Totoo yun!

Pumunta na ako sa waiting area at nakita ko na siya. Madali ko lang naman siyang namukaan at nakita dahil magkahawig kami at mas matangkad siya saken. Asar lang, noh? Sameng apat na magakakapatid kasi ako yung pinakamaliit. I know. It sucks. Pero at least ako naman yung nabiyayaan ng kagwapuhan samen!

"Kuya!" tawag niya saken. Lumapit naman ako sa kanya.

"So, kumusta ang kapatid ko? Ok ba sa Korea? Madami bang chix?" tanong ko. Chix agad, eh, noh?

"Tss. Si kuya talaga. Puro chix ang alam. Pero oo. Madaming chix dun! Actually, I've dated some. Haha!"

Tignan niyo. Padeny-deny pa tapos may twist din lang sa huli. Timang, noh? Kaya nagkasundo kami niyan, eh. Magkatulad kasi kami sa maraming bagay. Pwera sa kagwapuhan. Mas gwapo ako sa kanya.

"So, kuya. Aanhin niyo yung mga pinadala niyo saken?"

"May reresbakan lang tayo."

"Sino?"

"Si Stellar panget!"

Muka namang nagulat si Stephen. Pero bigla ding nagdilim yung aura niya. Minsan nakakatakot din siya, eh. Puff!

"Kung ganun, kelan tayo reresbak?"

"Antayin natin ang go signal ni Zion."

Tumango-tango lang siya. Teka, san pala siya uuwi? Sa mansion namin o sa condo niya?

"Saan ka pala tutuloy, Stephen?"

"Sa condo ko, kuya. Ayaw ko sa mansion. May dalawang demonyo dun."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ewan ko nga kung bakit nagtatagal ka sa mansion na yun, kuya."

"Well, alam mo namang ako ang watcher pagdating kay Stellar, di ba?"

"Sabagay..."

Nakasakay na kami sa kotse ko. Pupunta na kami sa condo niya. Sa condo niya kung saan marami ding nakatirang mga models, actresses, at mga magagandang college students. Kitamz! Galing niya mamili ng condo, noh?

***

3rd Person's POV

Siya ang pangatlong anak ng mga Lopez. Kilala din siyang model sa Korea at Japan. Isang taon lang ang pagitan nila ni Steffan.

Crazy Me Meets Crazy FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon