Zion's POV
Anak ng manok! Amp! Hayan tuloy! Kung anu-ano na nasabi ko kanina sa party. Tsk. Asar!
At andito ako ngayon. Kasama tong babaeng to. Issh! Kung iisipin hindi naman kasi kami close, eh. Bakit ko ba siya hinila-hila palabas sa party na yun? Saka, ano ba iyong nasabi ko kanina? Pwe!
"Z-Zion, iuuwi mo na ba ako?" tanong niya saken. Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse ko.
Dapat ba akong magsorry kasi dinamay ko siya? Pero, kasi... Hindi ko naman ugali iyong nagsosorry ako. Bahala na nga.
"Sorry."
Napalingon siya saken, "Ha?"
"Sabi ko sorry. Kasi nadamay ka pa."
"Ah. Ok lang. Mabuti na rin at inalis mo ako dun. Naiirita na din kasi ako kina Blue, eh."
"Iyong Blue, sino siya? I mean, ano mo siya?"
"Kaklase siya ng ate mo sa UER. One time kasi, niligtas niya ako ng may gustong kumidnap saken. Hayun. Naging magkaibigan kami. Tas, parati na niyang sinasabi na sa kanya ako. Kahit hindi naman."
Tinignan ko lang siya ulit. This time, nakangiti siya. Maganda rin pala ang loka. Maamo ang muka.
"So, you and him?"
Tinignan niya ako, "No."
"Eh, bakit ganun na lang siya umas--"
"Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?" putcha! Natahimik ako sa tanong niyang yun, ah. Bakit ko nga ba sinabing girlfriend ko siya? Anong isasagot ko?
"Hoy... Abnoy, ok ka lang?"
"H-ha? Eh, oo. Nagulat lang naman ako sa tanong mo."
"Ganun ba? Ok lang kahit wag mong sagutin. Alam ko namang joke mo lang iyon," parang disappointed pa siya. Shiete!
Hindi namin namalayan, nasa tapat na pala kami ng mansion nila. Bumaba na kami sa kotse ko. Pinapasok muna niya ako sa loob ng mansion. Pero parehas kaming nagulat.
"Where have you been?" nakakatakot siya. Pati ako na masasabing walang kinatatakutan, parang nababading dahil sa kanya. Pati rin si Rhinoa. Halata mo iyong takot sa mga mata niya.
***
Rhinoa's POV
"Where have you been?" nagulat talaga ako. Lord, bakit naman siya dumating? Ba't ngayon pa?