Steffan's POV
Nakaakbay na naman ako ngayon kay Rhi. Hehe. Inaasar ko na naman. Sa aming apat, ako lang iyong nakakaakbay sa kanya ng matagalan. Pero, hindi ko siya gusto, ah! Friends lang kami. Kahit maganda si Rhi, hindi ko siya type. Gusto ko kasi iyong mga babaeng may boobs. Haha! Etong si Rhi walang ganun. Haha! Joke! Meron naman pero maliit.
"Rhi, bakit ang liit ng boobs mo?"
"Waaahhh!!! Bakit ang bastos mo?!" namumula pa siya. Ang cute niya talaga.
"Haha! Joke lang naman!"
"Grabe ka! Andami mong itatanong, iyong boobs ko pa! Tss."
"Haha! Sabi ko nga joke lang iyon. Ang sarap mo lang kasing asarin, eh."
Nagtatawanan kami ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. Sa buong pangalan ko pa!
"Steffan Aldwin Lopez!"
Nilingon namin iyong sumigaw. Anak ng teteng! Bakit nandito iyan? Akala ko ba nasa Japan iyan? Ai, shit! Tinanggal ko iyong pagkakaakbay ko kay Rhinoa.
"Eff, kumusta?" nakalapit na siya samen.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba nasa Japan ka? Kelan ka pa umuwi?"
"Woah! Dude, isa-isa lang iyong tanong pwede? Mahinang kalaban, eh," nakangising sabi niya.
"Eh, bakit ka nga nandito?!"
"Bakit ba? Nagbabakasyon ako, okay."
Napatingin naman siya kay Rhinoa. Anak ng amp! Nakalimutan kong kasama ko pala siya!
"Sino siya? Bago mong babae?"
"Tang-ina mo! Kaibigan ko iyan!"
"Haha! May I know her name?"
Napakamot ako sa batok, "Ah, Rhinoa, si Stellar. Kapatid ko. Stellar, si Rhinoa. Kaibigan ko."
"Nice meeting you, Rhinoa."
"Ha? Err. Nice meeting you din."
Tinignan ulit ako ni Stellar, "Pano ba yan, tol? Una na ako. Kita na lang tayo sa bahay."
"Wag ka ng umuwi! Bumalik ka na ng Japan!"
"Haha! Can't do that, bro! Sayonara!"
Umalis na siya. Pakshet! Sure ako. Gugulo na naman ang buhay ko ngayong nandito na ang kapatid ko. At sigurado din akong hindi magugustuhan nina Zi ang pagbabalik niya.
***
Third Person's POV
Stellar Aldrin Lopez. Siya ang older brother ni Steffan. Mas matanda siya dito ng 4 years. Meaning to say, 21 na si Stellar.
Pumunta siya ng Japan 2 years ago. Mga bata pa lang sila, hindi na magkasundo ang magkapatid. Parating nag-aaway. Parating nagsasagutan. Iyon din ang dahilan kaya pinapunta ng Japan si Stellar.
Kung gaano kaplayboy si Steffan, mas doble ang pagkaplayboy ni Stellar. Kaliwa't kanan ang babae niya. At hindi lang iyon, naging mafia boss din siya. Pero kahit ganun, hindi pa rin takot sa kanya si Eff. Dati ring may gang si Stellar. The Cobras ang tawag sa kanila. At siya ang leader ng gang na iyon.
"Boss, welcome back!" bati sa kanya ng kanang kamay niyang si Wilson.
"Salamat, Wil. Ano? Kumusta ang gang?"
"Nagpahinga muna kami gaya ng utos niyo boss. Pinalabas naming wala na ang Cobras."
"Ganun ba. Okay. So, tuloy tayo sa plano."
"Oo naman, boss. Teka pala. Bakit parang desidido mong gawin iyong balak mo?"
"Dahil iyon lang ang alam kong paraan para makaganti."
"Ah. Sige, boss. Suportado ka ng gang. Hahaha!!!"
Oo. Pinalabas nilang wala na ang gang nila dati. Pero ngayong nagbalik na siya, mabubuo na ulit ang Cobras. Wala ng bawian pa. Patayan na kung patayan. Basta makabawi lang siya.
Ang mortal enemy ng gang nila?
Walang iba kundi ang Frozen50. Na dating kinabibilangan naman ng kapatid niyang si Steffan. Ngunit simula ng mabuwag ang Cobras, nabuwag na din ang Frozen50.
"Frozen50... Maghanda na kayo sa pagbabalik ko. Sisiguraduhin kong mabubura na kayo sa mundo. Lalong-lalo ka na Anino. Lalong-lalo ka na," nakangising bulong ni Stellar sa hangin. Hinithit niya ulit ang yosi niya.
***
@GCI: Yung Frozen50 po may FB account din. Just search: Frozen50 official. Makikita niyo yung 50 boys na kasama ng C4. Mga gwapings din. Hehe. Comments and votes po. Salamat.