Zion's POV
Pagbukas ko ng mga mata ko, may nakita akong muka. Wala ng ibang bagay o tao sa paligid. Siya lang. Teka, patay na ba ako? Nginitian niya ako.
"Kumusta na Shad?" tinawag niya akong Shad. Iisang tao lang ang tumatawag sake niyan.
"Rhaina? Ikaw ba yan?"
"Oo. Ako nga," umupo siya sa tabi ko.
Bumuntung-hininga naman ako, "Patay na nga ako."
Hinawakan naman niya ako. Ipinilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Tinignan ko siya. Nakangiti. Maamo pa rin ang muka niya tulad nung huli ko siyang nakita.
"Miss na miss na kita, Shad..."
"Miss na miss na din kita, Rhaina..."
Katahimikan. Hindi ko alam pero parang gusto ko na dito sa lugar na to. Kaming dalawa lang kasi ang nandito. Wala ng iba.
"Gusto mo na bang sumama saken, Shad?" tanong niya sabay tayo at abot ng palad niya saken.
"Oo. Sasama na ako sa'yo," aabutin ko na sana yung palad niya pero agad naman niyang binawi yun. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Shad, minahal na kita noon pa man. Noong nasa lupa pa lamang ako. At alam kong minahal mo din ako."
"Kaya nga sasama na ako sa'yo, di ba?"
Umiling siya, "Kung sasama ka, sayang naman yung effort ko. Pinagtagpo ko kayo tapos isasama lang kita? Hindi pwede...."
"... Mabuti pa bumalik ka na. Naghihintay na siya. Mahalin mo siya. Ingatan. Wag mong pababayaan..."
"... Gagabayan ko kayo parati. Ikaw at si Rhinoa. Ikaw at ang kakambal ko. Ikaw at ang puso ko..."
***
"Ren! Ren! Tawagin mo ang doktor! Gising na ang kapatid mo! Dali!" teka. Si mama ba yun? Hindi ko kasi mamukaan. Blurry pa din ang paningin ko.
"M-ma?"
"Yes, ijo! Ang mama mo ito. Kumusta ang pakiramdam mo?"
"M-ma, si Rhinoa? Na-nasaan s-siya? K-kumusta siya?"
"She's fine. I think she's in the chapel."
"Chapel?"
"Oo. She's been praying for you. Hindi rin siya umalis sa tabi mo."