"Balita ko official na daw kayo ni Zion, ah," nakangiting bungad saken ni Steffan.
"Kanino mo naman nabalitaan?"
"Kanino pa nga ba?" inginuso niya si Nicky na nagbabasa ng libro. Wow! Gusto atang maging genius ng loko.
"Tss. Eh, ano naman?"
\\\(^___^)///
"Wala. Masaya lang ako. Hehe!"
Binatukan ko siya. Yung reaction kasi niya parang bata.
"Baliw!"
Pero bigla rin siyang sumeryoso. (-_-) Ano bang nangyayari dito kay Eff? Nagiging weird na kasi siya. Napapadalas pa.
"Pero, mag-ingat ka, Rhioa. Lalo na at gf ka na ni Zi."
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Basta mag-ingat ka. Parati kang mag-ingat."
"Sige. Sabi mo, eh." (.__.)
"At isa pa, kapag lumapit sayo yung kuya ko, layuan mo."
"Si Stellar? Bakit naman?"
"Delikado. Basta delikado. Kaya wag kang lalapit dun."
Tumango na lang ako. Bakit nga ba niya ako pinagbabawalang lumapit dun kay Stellar? Delikado daw kasi. Tss. Muka namang mabait yung kuya niya, eh. Pero I trust Steffan more. Kaya kapag sinabi niyang delikado, it means delikado.
Nagulat na lang ako ng may mga palad na tumakip sa mga mata ko mula sa likuran ko.
"Guess, who!" sabi nung boses. Napangiti naman ako. Si kapre yun.
"Kapre! Haha!"
Tinanggal niya ang mga oalad sa mata ko at umupo sa harapan ko habang nakapout siya. Aww. Ang cute naman ng kapre ko.
"Kapre na naman. Tss."
"Haha! Eh, sa kapre ka nga."
"Ganun ba ako kapanget sa paningin mo?"
(((>\\\\<)))
"H-hindi. Ang gwapo mo nga, eh," halos pabulong kong sabi na nagpangiti naman sa kanya. Nganga! Ngayon ko lang napansin na ang amo ng muka niya kapag ngumingiti.
"Yang laway mo, oh!"
"H-ha?"