Break Up story Entry 1

39 4 0
                                    


"Ayoko na."

Dalawang salita, pitong letra lang 'yon. Pero bakit parang ito ang naging dahilan ng pagguho ng pader na gawa sa lakas ko?

Inaasahan ko na ito, eh. Ang tanong lang kung kailan? Ngayon na pala iyon?

"Bakit?" Ipinikit ko ng mariin ang mga mata para pigilin ang mga luhang gustong kumawala. Sobrang sakit.

"Wala. Ayoko na." Tinitigan ko siya. Wala manlang siyang kareareaksyon. Ang daya-daya niya. Habang ako halos mamatay na sa sakit, siya gan'on lang ang mukha? Na parang tinapon lang nya ang walong taong buhay niya kasama ako!?

"Kailan mo pa ayaw?" Tumingala siya sa langit. Katulad ng kalangitan ay blangko lang ang kanyang mukha. All I can see is indifference.

His lips protruded. "3 years ago." Suminghap ako. What? Gan'on siya katagal nagtiis sakin? Ano ngayon!? Should I be angry with myself na hindi ko manlang naramdaman na ayaw na pala niya!? Putangina!

"At ngayon mo lang..." Nanginig ang boses ko sa panghihina. "Naisipang bumitaw?" He nodded.

So the last 3 years were all a joke now? Peke lahat ng pinakita niya gan'on!? Shit. Hindi ko alam kung magwawala ba ako o matutulala nalang.

"I don't want you to get hurt." He said coldly. "But you just did right now!" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. My hands turned into fists. Gusto ko siyang pagsusuntukin sa mukha para makita niya!

"I'm sorry, Yel." Umiling ako habang kagat-kagat ang mga labi. Humihikbi na ako dahil sa mga luhang nag-uunahang bumaba. "Tang..." Bumuga ako ng hangin. "ina... mo, Lex."

Tumawa siya ng patuya. "I readied you, Yel. Alam mo 'yon." I clenched my jaw. "Gago ka! Umalis kana lang sana no'ng nalaman mong ayaw mo na pala 3 years ago!" Dinuro ko siya sa mukha. "Putangina mo, Lex! Porket alam mong mahal na mahal kita, kaya mo na akong linlangin? Gago talaga kayong mga lalaki! Putangina niyong lahat!"

"Sinubukan kong bumitaw. Pero palagi mong winawala ang usapan. 'Wag mo akong sisihin dahil may kasalanan karin dito, Yel. Nagkulang ka." Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang jeans. Umihip ang panggabing hangin at tinangay nito ang suot kong floral maxi dress.

"Sana sinabi mo diba!? Saan ako nagkulang? Ang alam ko kasi... binigay ko naman lahat." Humikbi ulit ako. Patuloy lang na rumaragasa ang mga luha ko sa pisngi. Hindi manlang ako nag-abalang palisin ang mga iyon.

"Sabihin mo, Lex... may problema ba sakin? Magulo ba ako!? Hindi ba kita naasikaso!?" I want to shout and shout at him. Sobrang sakit na gusto kong ilabas ito sa pagsigaw. I did everything that I know I am capable of. Akala ko hindi na siya maghahangad ng higit pa dahil di naman siya nagrereklamo. Then this? He want us to stop now that easy? Well, fuck him!

"You're good as you are, Yel. But not the best." Marahas kong ibinaling ang ulo sakanya. Putangina! "Ano!?, I'm not the best? Gago ka pala, eh! Hindi ko naman alam na naggirlfriend ka pala para sa the best mo!" Tumaas baba ang aking dibdib sa galit. He's unbelievable. Parang hindi na siya 'yong Lex na minahal ko ng walong taon.

"Minahal mo'ko ng limang taon, Lex..." Hinampas ko siya sa dibdib. Tumingala ako para tignan siya sa mata. Damn. Those deep black expressive eyes was enough to make me cramble. Gan'on ako kabaliw kay Lex. And it hurts, okay... It hurts that we're not mutual. "Bakit hindi mo tinuloy..." Humikbi ako at kinagat ang labi. This is damn hurting me so much. I feel like I'll be numb and forget about feeling if this continues. "Sana tinuloy mo nalang..."

Narinig ko siyang bumuntong hiningi. He touched the bridge of his nose. He always do this when he's thinking. "Let's just forget each other, Yel." Nanginig ang tuhod ko sa narinig. Is this really the end? Kailangan ko naba talagang pakawalan ang taong minahal ko sa nakalipas na walong taon?

Why do we keep on loving, if we know that this should be put to an end? Kailangan ba talaga may katapusan ang lahat? 'Di ba pwedeng tuloy-tuloy nalang? This is what the world lack of. Consistency. Wala tayo n'on. We keep on insisting that everything is temporary. Change will always go to the way to stop what you usually do in your everyday life. That's the mind set of every human being now. I always hate change and what it may affect. It's so sad that it's happening to me now.

"Is that what you really want?" I said slowly. Nanghihina ang boses. If that's what you want Lex. If you don't want consistency and you choose change over me... then I'll give you that.

"Then I let you go."

I will always choose consistency over change. But if that person is the consistency itself, how will I keep it? Change took over.

Litanya Ng NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon