Chapter 10: Happy lang! ^_^

4.7K 92 8
                                    

Naglalakad ngayon si Liz sa corridor ng hotel. Dito kasi sila mag.uusap ng kasabwat nya sa planong paghiwalayin sila Vice at Karylle. Tumigil sya sa tapat ng isang kwarto at kumatok. Agad naman syang pinagbuksan ng pinto ng isang lalaki.

****: hey.. akala ko hindi ka na dadating... come in.

Umusong ng konti ang lalaki para bigyan ng daan si Liz.

Pagkapasok ni Liz ay naupo sya sa sofa malapit sa pintuan.

Liz: so tell me... ano ang susunod na plano, Mr. Yael Yuzon?

.

Yael: relax Liz... masyado ka namang atat malaman kung anong susunod na plano.

Nagtungo si Yael sa mini bar ng kwarto para kumuha ng alak para sakanila ni Liz.

Yael: here, samahan mo muna akong uminom habang pinag.uusapan ang mga susunod nating hakbang. (abot ng alak kay Liz)

Agad naman itong kinuha ni Liz at inistraight ang laman ng baso.

Liz: paano natin gagawin ang plano? eh nasa bakasyon sila ngayon?

Yael: bakasyon? saan?

Liz: uhm... I heard, sa Pangasinan daw?

Yael: good... alam ko na ang susunod na plano. (sabi nito habang nilalaro ng daliri ang laman ng baso nya)

.

.

.

Nagising si Vice dahil may sumusundot sa ilong nya. Napamulat sya at tinignan kung sino ang may gumagawa nun.

Matthew: dudmowning Dada! hihi.

Vice: loko kang bata ka ha... bakit mo sunusundot yung ilong ko?

Matthew: may paa ipis ilong Dada! hihi. (sabay turo sa butas ng ilong ng ama)

Vice: anong paa ng ipis?!... halika nga dito!

Tinumba ni Vice si Matthew sa kama at niyakap ito ng mahipit habang kinikiliti sa bandang kilikili.

Matthew: hahahahaha yayaw na Machu, Dada! hahahahaha!

Patuloy padin sa pagkiliti si Vice sa anak. Ngunit bigla itong nakaalpas sa yakap ng ama kaya napatakbo ito sa kabilang side ng kama.

Matthew: yayaw na Machu! hihi (hingal nitong sabi)

Vice: ayaw na?... pero gusto pa ni Dada!

Papalapit na sana si Vice sa anak pero nagulat si Matthew sa paggapang ni Vice sa kama kaya nasipa nya ito sa mukha.

Vice: araaayyyy!!! (takip sa mukha)

Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto at tarantang napapasok si Karylle sa loob.

Karylle: anong nangyari?

Matthew: Mama sowee, Machu sipa Dada :(

Hindi naman sumagot si Vice pero nakatakip parin yung kamay nya sa mukha. Nilapitan naman ni Karylle si Vice.

Karylle: what happen babe?

Pagkatanggal naman ng kamay ni Vice sa mukha ay nakita ni Karylle na nagdudugo na ang ilong nito.

Matthew: Dada dugo ilong! O_O

Karylle: babe, dumudugo yung ilong mo.

Vice: nasipa kasi ako nyang anak mo!

STO2: Love And ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon