Chapter 32: She knows?

3.7K 90 13
                                        

Nasa OBGyne ngayon sila Vice at Liz. Schedule kase ngayon ng check up ni Liz.

Doktora: Healthy naman ang baby girl sa sinapupunan mo Liz.. anytime pwede ka nang manganak kaya be careful ha.

Liz: yes doktora.. inaalagaan naman po kami ni Vice.

Vice: wag kayo mag-alala doktora.. ako pong bahala.

Pero biglang naging seryoso ang mukha ng doktora at napansin naman ito ni Vice.

Doktora: uhm Vice?... can I talk to you personally?

Vice: Of course Dok... sandali lang Liz ha.

Liz: okay.

Lumabas naman ng kwarto sila Vice at Doktora para makapag-usap.

Doktora: Vice, gusto kong sabihin sayo 'to ng hindi naririnig ni Liz.

Bigla namang nakaramdam ng kaba si Vice.

Vice: a-ano po yon Dok?.. may problema po ba sa bata?

Doktora: no Vice.. Pero ang iniisip ko lang ay ang panganganak ni Liz...Alam naman nating may braintumor si Liz.. kaya nangangamba akong baka hindi nya kayanin ang panganganak.

Vice: ano po bang dapat gawin?

Doktora: wala... wala tayong magagawa, we just need to pray na sana pareho silang mabuhay.

Bigla namang nalungkot si Vice sa sinabi ng doktora.

Doktora: so pano ba yan.. mauna na ko sa inyo.. sabihin mo nalang kay Liz na may appointment pa ko... and please, wag mo muna banggitin sakanya yung pinag-usapan natin baka ma-stress sya.

Vice: sige po... salamat.

Nang makaalis si doktora ay sinundo na ni Vice si Liz sa loob kwarto at maihatid sa bahay nito.

Buong byahe ay kinukulit sya ni Liz kung ano bang pinag-usapan nila ng doktor pero hindi naman sya sinasagot ni Vice.

.

.

.

.

Dumaan ang mga araw ay mas nalapit ang loob ni Karylle kay Jimmy. Kahit papaano'y nakakalimutan nya ang problema nila ni Vice. Paminsan minsan ay tumatambay ito sa Karylle's Sweet para makipagkwentuhan kila Anne at Karylle. Samantalang si Vice naman ay pilit na nagtitimpi sa selos at sakit ng pandededma sakanya ni Karylle.

Niyaya nyang mag-bar sila Vhong at Billy. Sinama naman ni Vhong si Anne. Pagdating nila sa guilly's ay agad silang pumwesto sa VIP seat at umorder ng inumin. Di nagtagal ay medyo may tama na ang apat.

Vhong: brad, bakit ka ba biglang nagyaya?

Vice: wala lang... gusto ko lang makainuman kayo, masama ba?

Vhong: hindi naman sa ganun brad.. nakakapanibago lang.

Billy: teka, bakit hindi sumama si Karylle, Anning?

Anne: ahh maaga sya nag-out kanina.. as usual, kasama nanaman nya si Jimmy.

Vice: Jimmy nanaman. (bulong nya)

Vhong: super close na nung dalawa noh... di kaya mag-ON na yun?

Sabi nito na sadyang nilakasan ang boses para marinig ni Vice. Ngunit tahimik lang naman itong umiinom. Nagkukunwaring hindi naririnig ang mga katabi.

STO2: Love And ChancesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon