Lumipas muna ang ilang linggo bago muling nagkabalikan ng tuluyan sila Vice at Karylle. Hindi kasi ito tinigilan ni Vice sa pangungulit at palagi din kasi silang magkasama kaya napapayag nadin niya si Karylle na isuot na ang wedding ring nila.
Naging masaya naman ang pagsasama nilang mag-asawa sa loob ng apat na taon. Medyo naging selosa nga lang si Karylle sa mga nakakasamang babae at kliyente ni Vice. Hindi naman nagagalit si Vice dahil nakukyutan naman sya sa asawa kapag nagseselos ito.
Si Billy naman ay nakipagbalikan na kay Nikki at masayang namumuhay ngayon sa Amerika. Sila Vhong at Anne naman ay nabiyayaan ulit ng isang cute na baby boy. Magkapartner padin sila Anne at Karylle sa pagmamanage ng Karylle's Sweets. Nakapagbukas nadin sila nang ibang branch sa mga mall.
Si Matthew? Ayun, hopia padin kay Sophia. Ang bata-bata padaw nila kase kaya ayaw ni Sophia ngunit sadyang nagmana si Matthew sa ama kaya maghihintay daw syang mag-eighteen ito kahit 11 years old palang sila ngayon.
.
.
.
.
Vice: Hi... kamusta ka?.. Alam mo, kahit ilang beses pa akong bumalik dito, paulit-ulit kitang pasasalamatan dahil sa mga magandang ala-ala na iniwan mo samen, Liz.. Yah, magandang ala-ala kase dahil sa mga nangyari noon ay mas naging matatag kami ni Karylle.
"DADDY!!!!!!"
Natigilan si Vice nang marinig ang pagtawag ng isang apat na taong gulang na bata na tumatakbo papalapit sakanya. Kasunod nito sila Matthew at Karylle na nakaakbay pa sa anak habang naglalakad.
Vice: Hi baby! (buhat sa batang babae)
Karylle: Hi Babe... sorry natraffic kami kaya ngayon lang kami nakasunod ng mga bata. (kiss sa lips ni Vice)
Vice: it's okay.
Matthew: Hi Dad.
Seryosong sabi ni Matthew habang may nakasuot na headphones sa mga tenga nito.
Vice: medyo suplado yang anak mo ha.
Karylle: mana sayo.
Napangiti nalang si Vice at itinuon ulit ang tingin sa puntod na nasa harapan nila.
Vice: nga pala Liz... salamat din kase kundi dahil sayo, walang isang makulit na Ana Mariz Viceral na buhat ko ngayon.. Don't worry aalagaan namin sya.
Mariz: mommy!
Umakmang gustong magpakarga nito kay Karylle kaya binigay naman ito ni Vice sa asawa.
Karylle: you're such a mommy's girl talaga baby.. okay lang, parehas naman tayong kulot.
Natatawang sabi ni Karylle kay Mariz.
Vice: oh kitam... mas close pa sila ni Karylle kesa saken... so, paano ba yan Liz.. we'll have to go na.. may family dinner pa kami eh.. dadalaw nalang ulit kami next time.
Mariz: bye tita Liz... I hope you okay there in langit.. we love you.
Natuwa naman sila Karylle sa tinuran ng bunso nila.
Karylle: bye Liz.. thank you.
Pagkatapos noon ay umalis nadin sila ng sementeryo para kumain sa labas.
.
.
.
.
After a few weeks...
Vice: Happy Anniversary Babe.
Karylle: Happy Anniversary din Babe... thanks dito sa hinanda mo.. nagulat ako.
Vice: nagustuhan mo ba?
Karylle: oo, sobra!.. akala ko, nandito tayo sa Paris para sa trabaho mo, yun pala magbabakasyon lang tayong dalawa.
Kasalukuyan silang nagdidinner sa tapat ng Eiffel Tower na pina-set up ni Vice.
Vice: alam mo ba kung bakit dito sa Eiffel Tower tayo nagcelebrate ng anniversary natin?
Karylle: bakit?
Vice: kase everyday, Eiffel-inlove with you.
Karylle: hahahaha last mo na yan ha... ang korni mo babe.
Vice: kunwari ka pa, kinilig ka naman.
Patapos na silang kumain nang may marinig silang pamilyar na tugtog. Maya maya pa ay lumabas ang mga nagvi-violine sa gilid nila.
Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang yong mga ngiti
Napangiti si Vice at tumayo para lapitan ang asawa. Nilahad nya ang kanyang kamay kay Karylle.
Vice: may I have this dance, Mrs. Viceral?
Ngumiti si Karylle at tinanggap ang kamay ni Vice. Nilagay ni Vice ang mga kamay nya sa bewang ni Karylle at nilagay naman nito ang kamay sa balikat ni Vice. Nag-umpisa silang sumayaw ng dahan dahan.
At Ikay sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo
Vice: Babe, gusto kong malaman mo na kahit sino pang mga babae ang makita ko, kahit si Angel Locsin man yan o si Marian Rivera man yan... ikaw lang ang pinaksexy, pinakamaganda at pinakaperfect para saken.
Wala namang masabi si Karylle dahil sa sobrang kasiyahang nadarama ngayon. She leaned closer to Vice then hugged him tight.
Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sayo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
Karylle: God knows how much I love you.. kapag nawala ka pa ulit sa tabi ko baka hindi ko na kayanin.. kahit sino mang lalaki ang ikompara nila sayo, kahit si Piolo o si John Loyd man yan, ikaw padin ang pinakamagandang lalaki sa paningin ko.
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig koy magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
Humiwalay si Vice sa yakap at pinagmasdan ang mukha ng asawa.
Vice: I love you Mrs.Viceral.
Karylle: I love you too Mr.Viceral.
Then they kiss passionately and hugged each others arms in front of the Eiffel Tower.
= THE END =
.
.
A.N: Hi sibbies! Pano ba yan, tapos na ating hopiang istorya. Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat na sumuporta sa story na'to. Basta salamat sa lahat!
Kita kits tayo sa "The Beauty and The Beki." ^_^
P.S: Comment nyo naman yung reaksyon nyo sa buong story. Last na'to! ^_^
Tweet me!!!!
@kaiceVK14
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
