Chapter 28: Wala na?

3.4K 83 12
                                        

Pagkagaling sa mall ay dumiretso si Karylle sa bahay nila Anne.

Tulog padin si Matthew kaya inihiga muna nya ito sa kwarto ni Sophia.

Anne: you saw him?

Karylle: yes, I saw him with Liz.

Umiiyak nitong sabi. Nakailang bigay na ng tissue si Anne sa kaibigan.

Karylle: ang saya nila habang ako etong umiiyak.. It's been 5 months, pero masakit padin.

Anne: Mare, hindi mo kase agad pinakinggan yung side ni Vice bago mo sya palayasin.

.

*flashback*

Nagsimulang maghinala si Karylle kay Vice nung gabing nag-usap sila at tinanong nya kung si Liz nga ba ang kasama ng asawa sa Bora. Naging kahinahinala ang sagot ni Vice.

Lumipas din ang mga araw na palaging busy si Vice sa phone nito. May time na naiwan ni Vice ang phone nya sa mesa katabi ng kama. Bigla itong tumunog. May nagtext. Agad kinuha ito ni Karylle para basahin ang mensahe sa asawa ngunit nabigla sya may password ang phone ni Vice.

Agad minanmanan ni Karylle ang mga kilos ng asawa. Nang sundan nya ito ay nakita nyang pumunta si Vice sa bahay ni Liz.

.

.

.

Liz: Vice, nahihilo ako.

Vice: huh?.. te-teka, umupo ka muna dito.

Inalalayan nyang umupo si Liz sa kama nito.

Vice: ano bang nangyayari sayo?

Liz: Vice, may sasabihin ako sayo.

Vice: ano yun?

Liz: I'm pregnant.

Agad napatayo si Vice sa tabi ni Liz.

Vice: no! hindi pwede!

Liz: pero yun ang totoo, buntis ako Vice!

Vice: teka naguguluhan ako.

Liz: Pero Vice----- aaahhh!!!

Biglang dumaing ng sobrang sakit ng ulo si Liz.

Vice: Liz? anong nangyayari sayo?

Liz: ahhh Vice! hindi ko kaya ang sakit!

Vice: teka---

Hindi alam ni Vice ang gagawin nya dahil baka hindi na pwedeng painumin pa ng gamot si Liz dahil buntis ito.

Vice: dadalhin na kita sa ospital.

Agad inakay ni Vice si Liz palabas ng bahay at sumakay sa kotse.

Sa di kalayuan ay matyagang nag-aabang si Karylle sa labas ng bahay ni Liz. Nang makita nyang lumabas sila Vice ng bahay at sumakay sa sasakyan ay sinundan nya din ito.

.

.

.

Nahimasmasan na si Liz sa sakit ng ulo nya. Nasa opisina na sila ngayon ng doktor ni Liz para humingi ng bagong reseta ng gamot na pwede sa buntis. Pagkatapos macheck up ni Liz ay agad na silang nagpaalam sa doktor. Pagkabukas ng pintuan ng opisina ay may bumungad na mukhang galit na galit na babae sakanila.

STO2: Love And ChancesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon