Karylle: Babe, naimpake ko na yung mga dadalhin mo ha.. Nasa bag mo na yung mga damit mo tsaka boxer shorts at brief.. Nasa gilid ng pocket yung toothbrush mo, baka kalkalin mo pa yung mga damit mo eh.. tsaka yung vitamins mo, wag mong kakalimutan inumin ha.. para di ka magkasakit dun.. tapos----
Naputol ang sasabihin nito nang halikan sya ni Vice sa lips sabay backhug dito.
Vice: kung makapagbilin ka naman parang isang buwan ako mawawala.. 3days lang naman ako sa bora.
Karylle: kase naman eh.. di ba pwedeng wag ka na pumunta sa conference na yan?
Vice: di pwede Babe.. ako yung inaasahan ng boss namin eh.. kung pwede ko nga lang kayo isama.
Napapout naman si Karylle.
Vice: oh, wag ka nang magpout dyan.. baka magbago ang isip ko.
Humarap naman sa kanya si Karylle at pinulupot sa leeg nya ang mga kamay nito.
Karylle: edi magbago ka na ng isip.
Vice: hmmmm... di talaga pwede eh.
Karylle: (sigh) okay, basta wag ka mangbababae dun ha...madaming sexy dun.
Vice: (natawa) alam mo naman ikaw lang ang pinakasexy saken.
Karylle: talaga?
Vice: opo promise!
Sabay kiss sa lips ni Karylle.
Vice: don't worry Babe.. I'll call you kung free ako.
Karylle: okay... mamimiss kita Babe.
Vice: mamimiss ko din kayo.
Then he kiss her again sa lips.
.
.
.
Liz: Hello again Bora!!!
Sigaw nito nang makarating sila sa resort. Agad naman syang umangkla sa braso ni Vice.
Liz: thanks for bringing me here again Vice.
Simula kase nang magkasakit ito ay hindi na ulit sya nakapunta sa beach kaya naisipan nyang magrequest kay Vice. Agad naman pumayag si Vice. And yes, nagsinungaling nanaman si Vice kay Karylle na may conference syang pupuntahan dito.
Vice: as you requested, it's my command.
Liz: ang lakas ko talaga sayo.
Vice: so tara na?.. magcheck in na tayo.
Agad naman silang pumasok sa hotel ng resort at dumiretso sa receptionist.
Vice: Hi miss.. may available pa bang dalawang kwarto?
Receptionist: uhmm sorry sir, isang kwarto nalang ang available.. two bed naman po.
Nagkatinginan naman sila Vice at Liz.
Vice: sige miss, kukunin ko na.
Agad namang binigay ng receptionist ang susi ng gagamitin nilang kwarto.
Matapos makipag-usap sa receptionist ay nagtungo na sila Liz at Vice sa kwarto nila. Pagkapasok ay agad na nilang inayos ang mga gamit nila.
Liz: are you sure na okay lang sayo na isang room lang tayo?
Biglaan nyang tanong. Napatingin naman sakanya si Vice na kasalukuyang kumukuha ng damit pampalit.
Vice: why not?.. tsaka dalawang bed naman eh... tsaka wala ka naman sigurong gagawin saken.
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
