Chapter 27: What happen?

3.4K 81 16
                                        

Pagkaalis ng kumare nyang si Paxie ay hindi padin maalis sa isip ni Karylle ang sinabi nito.

Karylle: wala namang nababanggit sakin si Vice na nagkabati na pala sila ni Liz... maybe, hindi si Liz yun.

Sabi nya sa sarili habang nagrereview ng mga inventory ng cake.

.

.

.

Late na nakauwi si Karylle dahil inayos pa nya lahat ng mga orders para bukas. Hindi nya na naabutang gising si Matthew kaya pinuntahan nya nalang ito sa kwarto nito. Nakita nya ang mahimbing na natutulog na anak. Hinalikan nya muna ito sa noo at inayos ang kumot nito bago lumabas ng kwarto.

Pagkapasok nya sa kwarto nilang mag.asawa ay nakita nya si Vice na nakatutok sa phone nito. Ni hindi man lang nito namalayan ang pagpasok nya.

Karylle: Babe.

Medyo nagulat naman si Vice. Agad nitong tinabi ang phone sa side table.

Vice: oh Babe, bakit ngayon ka lang?.

Lumapit si Karylle kay Vice at hinalikan ito sa labi.

Karylle: sorry Babe, andami ko pang inayos sa shop.

Matamlay nitong sabi. Hindi alam ni Karylle kung pagod ba ang mararamdaman nya o may iba pa.

Vice: okay lang Babe.

Karylle: sige, magpapalit muna ko ng damit.

Matamlay itong nagtungo sa closet para magpalit. Pagkatapos magpalit ay tumabi na sya kay Vice. Humiga sya sa dibdib ni Vice at niyakap naman sya nito.

Vice: kamusta sa shop?

Karylle: ayun, okay naman.. araw araw padami ng padami ang mga costumers at orders.

Vice: edi maganda.. sino ba naman kaseng hindi masasarapan sa mga na-bake mo.

Karylle: hmmp, nambola ka nanaman... ay nga pala, dumaan sa shop kanina si Paxie.

Vice: talaga?.. kamusta naman sya?

Karylle: okay naman daw sya.. kakauwi lang nilang pamilya galing sa bakasyon sa Boracay.

Vice: ahh..

Karylle: nakita ka nga daw nya doon eh.

Bigla naman napakalas ng yakap si Vice kay Karylle. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib nito at biglang namutla.

Vice: h-huh?.. ah n-nakita nya ko?

Karylle: oo... may kasama ka daw na katrabaho?.. tinanung ko nga kung si Liz, sabi nya oo... Si Liz nga ba yung kasama mo Babe?

Vice: of course not!... h-hindi si Liz yung kasama ko noh!.. re-remember Loisa? sya yung kasama ko that time... tsaka d-di ba nga m-may atraso pa satin si Liz?... teka nga, pinagdududahan mo ba ko?!

Napalakas na ang boses ni Vice habang nagpapaliwanag. Nagtaka naman si Karylle sa inasal ng asawa dahil wala naman syang ibang intensyon sa tanong nya dito.

Karylle: hindi... hindi kita pinagdududahan.

Nakaramdam naman ng relief si Vice sa tinuran ng asawa at napahinga ng malalim.

Vice: good, salamat naman kung ganon... matulog na nga tayo.

Agad na umayos nang higa si Vice. Nakatalikod na sya kay Karylle.

Karylle: pero sa tono ng pagsagot mo... Bigla akong nakaramdam ng kaba... sana hindi totoo ang hinala ko Vice.

Nasabi nya sa sarili habang pinagmamasdan ang asawa.

.

.

.

(Fast forward na tayo guys.)

After 5 months......

Kakatapos lang kumain sa resto nila Vice at Liz. Napagpasyahan kase nilang kumain muna bago magtungo sa doktor ni Liz para sa check-up nito.

Kasalukuyan silang naglalakad sa mall habang nakaangkla ang kamay ni Liz sa braso ni Vice. Bigla namang napahinto sa paglakad si Liz.

Vice: oh bakit?

Liz: ahh wala... masyado na syang malikot.

Medyo yumuko naman si Vice at hinimas ang tiyan ni Liz.

Vice: hey baby... busog ka ba dyan?.. masyadong matakaw ang mommy mo eh, ang daming nakain.

Liz: oy hindi naman!

Slight hampas kay Vice. 5 months na ang pinagbubuntis nito at si Vice ang ama. Nung una ay nag-alinlangan si Vice sa pagtanggap dito pero sinigurado naman ni Liz na hindi sya maghahabol kay Vice at hindi rin nya pinilit na panagutan nito. Kalaunan ay natanggap nadin ni Vice ang bata sa sinapupunan ni Liz. Hindi nya ito pinabayaan at palagi nya din itong sinasamahan sa mga check.up nito.

Isa pa sa ikinatuwa ni Vice kay Liz ay ang pagtanggap nito na hanggang magkaibigan nalang sila kahit sya ang ama ng bata.

Nagpatuloy sa paglalakad sila Vice patungong exit nang mall. Paliko na sila sa exit nang may makasalubong silang babae. Si Karylle.

Nagkatitigan sila Vice at Karylle habang buhat nito ang natutulog na anak. Mabuti nga't tulog ito dahil paniguradong hahabol si Matthew kay Vice. Katahimikan ang namayani sakanila. Si Karylle na ang unang umiwas ng tingin at parang walang nakitang dumiretso ng lakad.

Vice: Ka---

Liz: Vice.

Pigil nito.

Vice: galit padin sya.

Malungkot nitong sabi sabay yuko.

Vice: namimiss ko na yung anak ko, Liz.... namimiss ko na sila.

Mangiyak ngiyak nitong sabi. Niyakap naman sya ni Liz para icomfort.

Liz: ssshhh... lilipas din yung galit nya Vice... don't worry, magkakaayos din kayo.

.

.

.

.

to be continued.......

Vote + Comment = Happiness ^_^


STO2: Love And ChancesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon