Chapter 20: It's Matthew's Birthday

3.6K 75 12
                                        

It's Matthew's birthday. Lahat ay abala sa paghahanda sa birthday party para kay Matthew. Sa bahay nalang nagpaparty sila Karylle dahil ito din ang gusto ng anak nila. Pati ang mga beks ay hindi magkandaugaga sa kakaayos ng venue. Maaga nadin pumunta sila Anne at Sophia para tumulong.

Anne: asan ba kasi si Vice?

Karylle: maagang umalis eh. May aasikasuhin daw sa opisina sandali.

Kasalukyang nagbe.bake ng cake si Karylle para sa anak. Habang tagaluto naman si Anne.

Anne: jusko naman yang asawa mo ha. masyadong masipag. di na ko magtatakang isang araw, mansyon na 'tong bahay nyo.

Karylle: baliw!... alam mo naman kung gaano kaselan si Vice pagdating sa trabaho. gusto nya lahat perfect.

Anne: parang family nyo?

Napangiti naman si Karylle sa sinabi ni Anne.

Karylle: baket, yung family mo din naman ha.

Anne: edi it's a tie!

Sabay naman na natawa ang magkaibigan.

Karylle: ay teka nga... tatawagan ko muna si Vice.

.

.

.

Vice: nurse, saan po yung room ni Liz Uy?

Nurse: wait sir.. ichecheck ko lang.

Agad naman ng type ang nurse sa computer na kaharap.

Nurse: uhm, room 201 po sir.

Vice: okay, salamat.

Naglalakad na sa hallway ng ospital si Vice nang magring ang phone nito.

*Babe Kurba calling....*

Vice: (answers call) hello Babe?

Karylle: hello Babe... magtatagal ka ba dyan?

Vice: sandali lang ako... inaayos ko lang 'tong presentation ko bukas. (pagsisinungaling nya)

Napapikit naman si Vice pagkasabi nun.

Karylle: okay, bilisan mo dyan ha.. hinihintay ka ng anak mo.

Vice: okay Babe.

Karylle: sige, may gagawin pa ko.

Vice: Babe, sorry ha.

Karylle: bakit? sorry saan?

Vice: dapat kase ako yung katulong mo dyan ngayon eh.

Karylle: sus, okay lang no!.. nandito naman si Anne tsaka sila Buern. basta bilisan mo lang dyan para makahabol ka sa birthday ni Matthew... nako, matatampo yun.

Napangiti naman si Vice sa kabaitan ng asawa.

Vice: opo bibilisan ko... i love you Babe.

Karylle: I love you more asawa ko.

Di naman napigilang kiligin ni Vice sa sinabi ng asawa.

Matthew: Mama! i want chocolate!

Nadinig naman ni Vice yung sigaw ng anak.

Vice: oh hinahanap ka na ng birthday baby boy natin.

Karylle: hindi na daw sya baby boy.. hahaha oh sige na I'll hang up na ha... bye mwuah!

Vice: bye mwuah. (ends call)

STO2: Love And ChancesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon