Karylle: matagal na kitang napatawad Vice.. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi kita pinayagang magpaliwanag noon.. hindi sana tayo nagkaganito.. alam ko na lahat, alam ko na kung anong totoo... kung anong totoong kalagayan ni Liz.
Napaangat naman ng tingin si Vice kay Karylle. Tila inaalisa ang mga sinasabi nito.
Karylle: Alam kong may brain tumor sya.
Nabigla si Vice sa rebelasyon ni Karylle. Umayos sya ng upo at hinarap ang asawa. Napayuko naman si Karylle.
Vice: p-paano?
Karylle take a deep sigh bago magsalita ulit.
Karylle: the day after kitang palayasin, bumalik ako sa ospital.. hinanap ko yung doktora na tumingin kay Liz to know kung totoo bang buntis talaga siya.
*flashback*
Karylle: Doc? I am a friend of Liz Uy, t-totoo po bang buntis sya?
Doktora: ah yes!.. she's pregnant.
*she's pregnant*
*she's pregnant*
*she's pregnant*
Parang pinagsakloban ng langit si Karylle ng marinig ang mga katagang yun.
Doktora: pero sabihin mo sa kaibigan mo na maiingat sya... tsaka iinumin nya yung mga bagong nireseta ko sakanya para sa sakit nya.
Napakunot noo naman si Karylle.
Karylle: s-sakit?... an-anong sakit doc?
Doktora: she has a brain tumor.
Karylle: brain tumor?!
Doktora: yes.. labis nga akong nag-aalala sakanya dahil sa pagbubuntis nya... pwedeng ikamatay nya pa 'to.
Natulala nalang si Karylle. Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya. Kung magagalit ba o maaawa.
*end of flashback*
Vice: p-pero bakit hindi mo sinabi sakin?
This time umiiyak nadin si Vice.
Vice: dapat sinabi mo para naipaliwanag ko sayo ng maayos.
Karylle: ewan ko... na-nauhan ako ng galit, Vice... nagagalit ako kase naiisip kong magkakaanak ka ulit pero sa ibang babae.
Hinawakan ni Vice si Karylle sa kamay at hinatak ito para yakapin.
Vice: I'm sorry Babe... gusto ko lang pasayahin si Liz kahit bago man lang sya mawala.. hindi ko namamalayan na nakakagawa na pala ako ng kasalanan sayo... I'm really sorry Babe.
Pagsusumamo nito. Agad ding humiwalay si Karylle sa yakap ni Vice.
Vice: Babe, do you still love me?
Karylle: I never stop loving you, Vice... maybe I'm just hurt and mad but I still love you.
Vice: ibig bang sabihin nito, bumabalik ka na sakin?.. tayo na ulit? (nakangiti nyang sabi)
Umiling naman si Karylle kaya napakunot noo si Vice.
Karylle: Let's take it slow, Vice... babalik ako sayo pero hayaan muna nating maghilom ang mga sugat dito. (turo sa dibdib) mahihintay mo ba ko?
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
