Chapter 24: Lovers Quarrel

3.7K 67 5
                                    

Halos paliparin ni Vice ang sasakyan pauwi sa bahay nila. Nang makapasok na sya sa bahay ay nadatnan nya sila Buern at Archie sa sala na nanunuod ng paborito nilang palabas na Kambal Sirena ay este Dyesebel pala.

Buern: Hi Vice!

Archie: Hi Vicey!

Vice: oh dalawa lang kayo?.. nasan yung iba?

Buern: hay nako.. ayun sumama kay Bernard sa probinsya nila.

Archie: goodluck nalang kung makauwi pa yung mga yun.. may lahing aswang pa naman si Bernard.

Sabay na natawa naman ang dalawa at nag-apir.

Maya maya ay nakita nya ang anak nya pababa ng hagdan. Nilapitan nya naman ito.

Vice: Matthew.

Matthew: yes Dada?

Vice: are you mad at me?.. I'm sorry kung hindi kita nasundo.. may inasikaso lang ako.

Matthew: no Dada, I'm not mad, but I think Mama is mad.

Vice: sa tingin mo?

Tumango naman ng mabilis si Matthew.

Matthew: nasa room nyo sya now.

Vice: okay sige.. I'll talk to her.

Hinalikan nya muna sa pisngi ang anak bago naglakad patungo sa kwarto nilang mag-asawa.

He clears his throat before he open the door. Nakita nya ang asawa na nakaupo sa kama habang may kausap sa phone. Napatingin ito sakanya.

Karylle: he's here.. sige na Anne, bye. (ends call)

Vice: Hi.

Halos walang boses na sabi nya. Alam nyang galit si Karylle dahil sa aura nito. Akmang hahalikan nya ito sa pisngi pero agad itong umiwas at tumayo sa kama.

Vice: I'm sorry Babe.

Karylle: Bakit hindi mo sinundo si Matthew? sana nagtext ka man lang sakin para ako nalang yung sumundo.

Vice: I'm sorry.. a-ano kase eh----

Karylle: ano?.. idadahilan mo nanaman yang letcheng meeting na yan?

Medyo tumataas na ang boses ni Karylle. Warla na ituu.

Vice: sorry na Babe.. nawala sa isip ko eh.

Hinawakan ni Vice sa kamay pero iniwas naman agad ito ni Karylle.

Karylle: sorry nanaman? nawala sa isip mo?.. my god Vice! anak mo yan, hindi yan kung sino lang!

Natahimik naman si Vice. Napayuko ito na tila napagalitan na bata.

Karylle: p-paano nalang kung may nangyari sa anak mo?.. paano kung lumabas yan ng skwelahan tapos mahagip ng sasakyan ha?.

Hinihingal na si Karylle sa sobrang galit. Samantalang nakayuko padin si Vice.

Karylle: ilang beses mo na bang inindian si Matthew?.. nung birthday nya, nung first day of school nya, tapos ngayon.. ano bang nangyayari sayo?.. late ka na din umuuwi.. hindi ka naman dating ganyan ha?

Patuloy padin sa pagsesermon si Karylle habang nakikinig lang si Vice. Inaamin nya din sa sariling sya ang may kasalanan. Mula nung malaman nya ang sitwasyon ni Liz ay madalas nya nang hindi nahaharap ang mag-ina nya.

STO2: Love And ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon