Nasa isang bar ngayon sila Vice at Vhong. Umattend sila sa birthday party ng kaibigan nila. Medyo may tama na silang pareho pero hindi pa sila lasing.
Vice: kamusta nga pala honeymoon nyo brad? (inom ng vodka)
Vhong: okay lang naman, masaya... nag.enjoy kami sa Europe lalong lalo na si Sophia.
Vice: ah.. buti naman. (inom)
Napansin naman ni Vhong ang biglang pananahimik ni Vice.
Vhong: may problema ba brad?.
Vice: huh?. wala naman.
Vhong: sus!! kilala kita brad.. anong problema?
Uminom muna ng isang shot ng vodka si Vice sabay hingang malalim.
Vice: actually brad, hindi naman sya problema.
Vhong: eh ano?
Nung una'y nag.aalangan pa syang sabihin sa kaibigan dahil baka pagtawanan lang sya nito.
Vice: di ba brad, lalaki ka din... alam mong may pangangailangan din naman tayo di ba?
Vhong: oo, like what? (confused look)
Vice: sex?
Medyo natawa naman si Vhong.
Vhong: oh what about sex?... hindi ka ba pinagbibigyan ni K?! hahaha.
Vice: hindi naman sa ganun... kaso kapag gusto ko, pagod naman sa work si K kaya iintindihin ko.. tapos kapag gusto nya, ako naman ang pagod sa work kaya wala ako sa mood.. then when we're doing it, bigla naman eextra yung inaanak mo!! edi wala na!!.. hindi na nagtatagpo si junjun at maria!!
Nautas sa tawa si Vhong sa sinabi ng kaibigan.
Vhong: kausapin mo sya brad.
Vice: wag na, nakakahiya.. baka kung ano pang sabihin nya.
Vhong: hay nako... I think, kelangan nyo ng bakasyon.. yung kayong dalawa lang ni K.
Vice: as if namang maiiwan nun yung anak nya!!
Vhong: hahaha... si Matthew na pala ang mortal na kaagaw ni Viceral kay K!! hahaha.
Vice: tumahimik ka jan... sisipain kita!
Utas padin sa tawa si Vhong. Tumayo naman si Vice mula sa kinauupuan nya.
Vhong: huy! saan ka pupunta?
Vice: sa labas, magpapahangin lang... baka makasapak ako ng kaibigan eh.
Vhong: hahaha... sige brad!
Dahil nga sa naaasiwa na si Vice kay Vhong dahil pinagtatawanan sya nito ay lumabas muna sya ng bar. Ngunit nang palabas na sya ng pinto ay may narinig syang babae na tila may kaalitan.
*****: uhm, wait lang ha... I dont even know you. So please leave me alone!! (inis na sigaw ng babae)
*****: akala mo kung sino kang maganda ha... kunwari ka pang ayaw mo! (sigaw ng lalaki)
Nakita ni Vice na hinihila ng lalaki ang babae na kanina pa nasasaktan. Kaya nilapitan nya ito.
Vice: boss, nasasaktan na yung babae.. baka pwedeng bitawan mo na.
Napalingon naman ang babae kay Vice at nagtama ang paningin nila.
Vice: Liz?!
Liz: Vice?!
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomansaThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
