Napalingon sila sa direksyon nito. Isang suntok naman ang lumagapak sa mukha ni Vice.
Vice: Let me explain!
Sabi nito habang sapo ang mukha na tinamaan ng suntok.
Billy: tarantado kang hayop ka! manloloko!
Galit na galit nitong sabi habang hawak hawak naman ni Coleen ito sa braso para awatin. Si Coleen ang ipinalit nya sa dati nyang asawa na si Nikki.
Nag-uumpisa nang dumami ang taong nakapaligid sa kanila sa mall para makiusisa.
Coleen: calm down Billy.
Billy: di ba sinabi ko sayo na ako ang papatay sayo kapag niloko mo si Karylle?!.. gusto mo, patayin kita ngayon!
Akmang may bubunutin sa likuran si Billy kaya agad napaatras si Vice.
Vice: s-sandali Kuys.. ano yang nasa likod mo?.. te-teka mag-usap muna tayo.. m-magpapaliwanag ako!
Utal utal nitong sabi. Bakas padin ang sobrang galit sa mukha ni Billy.
Vice: Liz, please mauna ka nang umuwi.. mag-uusap lang kami ni Billy.
Liz: pero---
Vice: sige na, please.
Liz nodded at mabilis na umalis sa mall.
Vice: Kuys, pwede bang mag-usap muna tayo para maipaliwanag ko sayo ang lahat.. that's not what you think... pero sana, sa ibang lugar tayo mag-usap kase baka madiscover tayo dito.
Sabay na nagpalinga linga ng tingin sila Billy at Vice sa mga taong nakapalibot sakanila. Dumami na nga ang mga nakiusisa.
Billy: sige.
.
.
.
Sa Karylle's Sweets...
Wala sa mood magtrabaho si Karylle kaya maghapon lang itong nakaupo sa opisina habang naghihintay na baka sakaling magtext man lang asawa. Sa totoo lang ay miss na miss nya na ito kahit nasa isang bubong lang sila. Ilang araw na din kase silang hindi nagkikibuan simula nung nangyaring di pagsundo ni Vice kay Matthew.
Sa sobrang pagka-absent minded ni Karylle ay di nya namalayan na kanina pa pala sya kinakausap ni Anne.
Anne: Huy!!!
Sigaw nya sa kaibigan na kanina pa tulala. Halos mapatalon naman sa gulat si Karylle.
Karylle: ayy sorry.. ano ulit yun?
Anne: ang sabi ko, may orders nanaman si Mr.Ursua.
Karylle: ah okay.
Wala padin sa hulog na sagot nito. Nahalata naman ito ni Anne.
Anne: nako mare, bakit hindi mo pa kase kausapin.
Napakunot noo naman si Karylle kay Anne. Agad naman nyang nagets ang sinasabi nito.
Karylle: (sigh) namimiss ko na nga sya eh.. hindi ko naman alam na hahayaan nyang tumagal yung pandededma ko sakanya.. hinihintay ko lang na sya ang gumawa ng first move.
Paliwanag nito sabay pout na parang batang nagtatampo.
Anne: eh mare, pano naman kase gagawa ng first move si Viceral kung alam nyang dededmahin mo lang sya.
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
