Chapter 9: The Desperate

4.7K 71 20
                                    

Nagising si Vice dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto. Nahirapan syang magmulat dahil sa sakit ng ulo nito. Nang makadilat sya ay nilinga nya ang paningin sa kwarto at napagtanto nyang hindi ito ang kwarto nilang mag.asawa. Bahagya syang nagtaka. Naramdaman naman nya may gumalaw sa kabilang side ng kama kaya napabaling sya dito. Nanlaki ang mata at napabalikwas sya sa pagkakahiga ng mapagtanto kung sino ang katabi nyang natutulog. Nakakumot ito at walang saplot sa katawan. Nawala bigla ang sakit ng ulo nya.

Vice: Liz? O_O

Nagising naman si Liz at nag.inat.

Liz: Vice.

Vice: a-anong nangyari Liz?! b-bakit hinayaan mong mangyari?!

Gulong gulo ang isip na napasabunot si Vice sa buhok nito.

Liz: Vice, lasing tayo----

Vice: uuwi na ako. hinahanap na ako ng asawa't anak ko. kung ano man ang nangyari kagabi, hindi ko ginusto yun Liz.. I'm sorry.

Nagmamadaling tumayo sa kama si Vice at pinulot ang mga damit na nakakalat sa sahig. Agad nya ito sinuot at without a word, ay nilisan nya ang bahay ni Liz.

Habang nasa byahe ay tuliro parin si Vice. Mangiyak ngiyak na ito dahil nakokonsensya sya sa nangyari. Nakagawa sya ng napakalaking kasalanan kay Karylle.

Vice: I'm sorry K... I'm sorry. (nasabi nito sa sarili)

Nang makarating sya sa bahay ay nadatnan nya ang mga bakla sa sala at si Karylle naman ay nasa kusina habang naghahanda ng breakfast ng nila. Nilapitan nya ito at niyakap mula sa likod. His head is rested on her shoulder. Mas lalong naramdaman ni Vice ang guilt.

Vice: I'm sorry babe. (sincere at malungkot nitong sabi)

Humarap sakanya si Karylle. Hinawakan sya nito sa magkabilang pisngi.

Karylle: No... ako dapat ang nagsosorry sayo babe.. ako ang may kasalanan.. dapat nung una palang iniwasan ko na si Yael.. nag.away pa tuloy tayo. I'm sorry babe, I love you.

Vice: basta I'm sorry babe... lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita.

Karylle: I know that. (smile)

Hinalikan ni Vice si Karylle sa labi pagkatapos ay mahigpit itong niyakap. Napapikit si Vice at naalala bigla ang kasalanang nagawa.

Vice: I'm sorry babe.. I'm sorry. (paulit ulit nitong bulong)

Nagtataka man ay tumango nalang si Karylle bilang tugon kay Vice. Si Karylle na ang unang humiwalay sa yakap.

Karylle: nagbreakfast ka na? (tanong nito)

Tinuloy na ni Karylle ang paghahanda ng almusal.

Vice: hindi pa.. si Matthew?

Karylle: tulog pa yung anak mo. nagising yun pagkaalis mo kaya madaling araw na nakatulog ulit.

Vice: ahh.

Karylle: saan ka nga pala natulog kagabi?

Napalunok naman si Vice sa tanong ng asawa.

Vice: hah?... ah sa... sa kaofficemate ko, napadami ng inom kaya ayun... teka lang babe, akyat lang ako sa kwarto.. sumakit yung ulo ko.

Karylle: okay.

Hinalikan muna ni Vice si Karylle sa labi bago nagtungo sa kwarto nilang mag.asawa.

.

.

STO2: Love And ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon