[As a promise, UD agad!! salamat sa mga votes and comments :))
Nawindang ako sa mga hurado this week!! ano kayang mangyayari? :))owsya, GAME NA!! ]
Vice: Buern, wala pa ba si Karylle? (tanong nito habang bumababa ng hagdan)
Buern: nakita mo bang nandito?
Vice: sumagot ka ng maayos kundi mapepektusan kita sa bunbunan!!
Buern: ay Vice.. wala pa sya.. anong oras na nga eh.
Vice: oo nga eh.
Natigilan sandali si Vice ngunit kumaripas naman ito ng takbo papuntang kwarto. Maya maya ay nagmamadali din itong bumaba. Nakasuot ito ng jeans at black V-neck shirt. Kinuha nya ang susi ng sasakyan at lumabas ng bahay.
Vice: Buern, pakitingin muna si Matthew.. susunduin ko lang si Karylle.
.
.
.
Karylle: uhmm... ano kasi Yael, uhm, hindi kasi ako nakapagpaalam kay Vice.
Yael: edi ako na ang magpapaalam sa kanya.. teka, tatawagan ko.
Akmang kukunin ni Yael ang phone nya pero pinigilan sya ni Karylle.
Karylle: wag na!! wag!.. pakisabi kay Hanna, sorry.
Bigla namang hinawakan ni Yael ang isang kamay ni Karylle. Kaya nagulat si Karylle.
Yael: please K... I want to say sorry sa nagawa ko sayo dati.. Bobo lang talaga ako dahil pinakawalan kita.. sana mapatawad mo 'ko.
Karylle: matagal na kitang napatawad Yael.. masaya na 'ko ngayon.. Masaya ako sa piling ni Vice at ng anak namin.
Dahan dahan namang binitawan ni Yael ang kamay ni Karylle.
Yael: yah, mukha ngang masaya ka na ngayon.. masaya nadin ako para sayo pero sana we can still be friends?
Karylle: of course, we can still be friends.
Yael: uhm, can I have favor K?
Karylle: ano yun?
Yael: can you give me a hug?
Napangiti naman si Karylle. Kaya nag.open arms sya para makayakap si Yael. Agad naman yumakap si Yael dito.
Yael: please, stay for a minute.
Pinagbigyan naman ni Karylle si Yael.
Habang magkayakap sila Yael at Karylle ay biglang bumukas ang pinto ng shop.
Vice: tarantado ka!!!
Inisang hakbang nya lang ang kinaroroonan ni Yael at isang napakalakas na suntok ang pinukol nya sa mukha nito dahilan para mapabagsak ito sa sahig. Sinundan nya pa ito ng tadyak.
Yael: aagghh!!
Karylle: VICE!!!
Vice: p*tang*na ka!! tantanan mo na si Karylle!! (hingal na hingal nitong sabi)
Hindi padin makarecover si Yael sa suntok ni Vice kaya nakaupo padin ito sa sahig habang iniinda ang sakit ng panga.
Karylle: Vice ano ba!!.. mali ang iniisip mo!
![](https://img.wattpad.com/cover/16248867-288-k163932.jpg)
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^