Vice: Happy Birthday sa pogi kong anak.
Imbis na salubingin si Vice ay tumayo si Matthew at tumakbo papasok ng bahay at nagkulong sa kwarto.
Nagkatinginan naman si Karylle at Vice. Napailing naman si Karylle.
Karylle: bakit ngayon ka lang?
Vice: I'm sorry Babe. (kiss kay Karylle)
Inakbayan nya si Karylle at pumasok sa bahay nila. Umupo muna sila sa sofa sa sala.
Karylle: hindi ka dapat saken magsorry... kay Matthew ka dapat magsorry.
Vice: babawi nalang ako sa anak natin.
Karylle: bakit kase ngayon ka lang dumating?
Bigla namang kinabahan si Vice sa tanong ng asawa. Hindi na kase sya nagsisinungaling kay Karylle kaya baka mabuko sya nito.
Vice: a-ah.. ano kase.... m-may biglaang meeting si Boss.
Karylle: pero dumaan si Vhong sa opisina nyo, wala ka daw dun?
Vice: ha?... ah oo, wala talaga ako dun kase..... s-sa labas yung meeting kanina.. nagpareserve si Boss sa isang resto.
Tumango naman si Karylle.
Karylle: ahh... pano nga pala si Matthew nyan? nagtatampo na sayo yung anak mo.
Vice: teka, kakausapin ko... sige na Babe, pumunta ka na sa kwarto.. magpahinga ka na.
Tumayo si Vice at naglakad patungo sa kwarto ng anak. Si Karylle naman ay nagtungo na sa kwarto nila.
.
.
.
Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na sa kwarto nilang mag-asawa si Vice. Nakasando nalang ito. Nakahubad na yung polong suot nya kanina. Umupo muna ito sa kama katabi ni Karylle. Busy naman sa kakabrowse ng laptop sa Karylle. Nakiusisa na rin si Vice dito.
Karylle: oh nakausap mo ba? (sabi nitong hindi nililingon si Vice)
Vice: hindi eh.. ayaw akong pagbuksan ng pinto.. baka nakatulog na.
Karylle: eh bakit ang tagal mo?
Vice: tinutungan ko pa yung mga baklang mag-ayos... lalamya lamya kumilos eh.
Karylle: ahh.
Busy padin sa kakabrowse ng laptop si Karylle. Ni hindi man lang tinitignan si Vice.
Vice: Babe.
Karylle: hmm?
Vice: masakit yung ulo ko.
Karylle: uminom ka ng gamot tapos matulog ka na.
Hindi nya padin tinitignan si Vice.
Vice: ayoko pang matulog eh.
Karylle: edi wag.
Medyo naasar naman si Vice sa sagot ng asawa. Kaya kinulit nya ulit ito.
Vice: Babe.
Karylle: ano yun?
Vice: gawa ulit tayo baby.
Napalingon naman si Karylle kay Vice. Ipinatong nito ang laptop sa mesang katabi nya.
Tagumpay, nakuha nya na ang atensyon nito.
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
