Nagising si Karylle na wala na sa tabi nya ang asawa. Pinakiramdaman nya din kung nasa banyo lang ito pero mukhang wala naman.
Agad na rin syang bumangon at nagtungo sa banyo para maghilamos at magbihis. Baka kase may pinuntahan lang si Vice o baka may binili lang. Kailangan na nyang magprepare ng breakfast para sa mag-ama nya. Pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto.
Pagkalabas nya ng kwarto ay dumiretso na sya sa kusina. Medyo nagulat pa sya nang maabutan ang asawa na nakapajama at white shirt na naka-apron.
Napalingon naman sakanya si Vice.
Vice: Goodmorning Babe! (masaya nitong bati.)
Lumapit ng bahagya si Vice kay Karylle at hinalikan ito sa labi. Bumalik din agad ito sa ginagawa.
Karylle: anong ginagawa mo?
Vice: naglalaba Babe... naglalaba ako, ginagamit ko 'tong syanse pangpalo palo.
Karylle: Vice naman eeehhh.
Vice: halalalalala.... nagluluto ako ng breakfast natin.
Karylle: bakit?
Vice: anong bakit?. masama bang ipagluto ko ng almusal ang pinakamaganda kong asawa?
Hindi naman napigilan ni Karylle ang kiligin sa sinabi ng asawa. Lumapit sya dito at niyakap sa likod.
Karylle: You know what Babe?.. I am the most lucky wife in the world because I have the most perfect husband in the world.
Vice: Perfect?.. parang nakakaintimidate naman yun.
Karylle: bakit naman?
Matapos iahon ni Vice ang piniprito nya, ay hinarap naman nya ang asawa. Hinawakan nya ito sa pisngi at tinitigan.
Vice: because I know, I am not perfect dahil may mga nagawa akong kamalian sayo at hindi ko naman maipapangako na hindi na ako ulit makakagawa ng mali. Siguro okay na saken yung, Perfectly imperfect husband.
Yumuko ng konti si Vice para halikan sa labi si Karylle at niyakap ito.
Karylle: ang agang kalandian nito Babe ha. (bulong nito habang nakayakap padin)
Vice: actually, may hangover pa ko kagabi... pwede humirit ng round 3?
Napakalas naman sa yakap si Karylle.
Karylle: nako Viceral, pigilan mo yang si junjun.. pagod pa si maria.
Vice: sige na Babe, mabilis lang 'to.
Bigla naman hinatak ni Vice si Karylle at kinulong sa bisig nito. At hinalik halikan ito sa leeg.
Karylle: Babe ano ba... baka magising yung anak natin.
Vice: sandali lang 'to.
Natigil ang paglalambingan ng dalawa ng biglang may magsalita mula sa likod nila.
Matthew: uyyy ViceRylle! hihi!
Agad naman naghiwalay ang dalawa.
Vice: huy! Vicerylle ka dyan!.. kanino mo narinig yan ha.
Matthew: kay nongnong Billy! hihi. (takip sa bibig sabay talon talon)
Vice: sabi ko kay Billy, turuang magsalita ng diretso si Matthew.. Dumiretso nga magsalita, kung ano ano namang salita ang alam.
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomanceThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
