(Pasensya na sa title, wala akong maisip eh. Inis lang ako kay Liz.)
= = =
Kinabukasan ay maagang dumating si Liz sa bahay ni Lola Esme. Si Karylle ang unang humarap dito dahil naaasiwa talaga si Vice sa tuwing nakikita si Liz. Pero sumunod din naman si Vice sa sala.
Karylle: iwan ko muna kayo ha. asikasuhin ko muna yung anak natin sa kwarto.
Vice: sige babe.
Ningitian muna ni Karylle si Liz bago umalis. Sila Vice at Liz nalang ang naiwan sa sala.
Vice: oh nasan na yung kliyente? (mabilisan nyang tanong)
Liz: papunta na daw sya, wag kang mainip.
Vice: ayokong pinaghihintay ako. Lalo na kung ikaw ang kasama kong maghintay.
Liz: bakit ba ang sungit mo?
Vice: eh bakit ang landi mo?!
Mahina lang ang pag-uusap ng dalawa pero ramdam ang galit sa boses ni Vice.
Liz: ikaw lang naman nilalandi ko ha.
Vice: yun na nga eh. may asawa't anak na ko. bakit mo pa ko nilalandi?
Liz: because I love you!
Natigil ang pagdidiskusyon ng dalawa nang may kumatok sa pintuan.
Liz: Mr. Nicholas, nandito na po pala kayo.
Agad naman tumayo si Vice at nagpakilala ng pormal. Inanyayahan na nilang pumasok ang kliyente sa bahay para mapag-usapan ang mga detalye sa bahay na ipaparenovate.
Naging maayos at pormal naman ang pag-uusap nila Vice. Sinikap nya talagang matapos agad ang meeting para umalis na sa paningin nya si Liz. Nauna nang nagpaalam ang kliyente at sumunod naman si Liz.
Liz: so, see you on the other day para makita na natin yung bahay?
Vice: kahit ako nalang tumingin, okay lang. basta wag lang kitang makita.
Liz: (natawa) sa ayaw at sa gusto mo, magkikita parin tayo.
Vice: eh kung patayin nalang kaya kita para mawala ka na?
Natahimik naman si Liz sa sinabi ni Vice.
Liz: eh kung sabihin ko kaya kay Karylle ang sikreto natin pa----
Bigla namang sinakal ng mahigpit ni Vice si Liz.
Vice: yan ang wag na wag mong gagawin dahil mapapatay talaga kita.
Nanlilisik na ang mata ni Vice sa galit habang hirap na hirap naman sa paghinga si Liz dahil sa pagsakal ni Vice.
Liz: ah--- V-vice, hi-hindi a-ako ma-kahinga. ah. (sabi nito habang pinapalo ang kamay ni Vice)
Di nagtagal ay tinanggal nadin ni Vice ang kamay nya sa leeg ni Liz.
Vice: s-sorry. (mahina nitong sabi)
Liz: (hawak sa leeg) pagsisisihan mo 'tong ginawa mo. bye.
Tuluyan na ngang lumisan si Liz. Naiwan si Vice sa sala na nakayuko at nakasapo ang mga kamay sa mukha. Maya maya ay may tumapik sa balikat nito.
Vhong: brad.
Vice: brad, nakapagdesisyon na ko.
Umupo si Vhong sa tapat ni Vice.
BINABASA MO ANG
STO2: Love And Chances
RomansThis is the continuation of "She's the One". Maraming salamat sa nagbasa ng Book 1. ^_^
